Tuesday, February 15, 2011

Talambuhay ni Abegail Librando

ako noong 1st birthday ko,,
si mommy myra at ako
Noong araw na nagdadalan tao ang aking ina napaglilihian niya ang guyabano, gusto niya ung medyo maitim-itim na ang kulay ng balat nito .Napag usapan rin nila ng aking ama na pagnag kaanak sila gusto niya na "ABEGAIL"ang magiging pangalan nito at upang pare-pareho din ang unahan ng aming pangalan sa letrang "A", Kabuwanan na noon na aking ina , ipinanganak ako sa bahay mga bandang alas onse kwarentay singko ng gabi(11:45)ng Enero 31,1995.Tuwang-tuwa ang aking mga magulang dahil lumabas akong malusog at ligtas kaming dalawa ng aking ina ,Makalipas ang limang buwan binigyan ako ng aking tiyuhin ng isang gintong hikaw na hugis bulaklak,nang sumapit ang Setyembre ako ay ganap ng kristiyano.

      Nagsimula daw akong dumapa noong ako'y limang buwan at nang sumunod na buwan ako ay naggagapang na , sumapit ang Disyembre ako ay labing isang buwan na,kung saan ako'y nagsimulang lumakad 
      Kasabay nito'y masayang pagsalubong namin sa pasko at bagong taon ,kahit simpleng handaan lang ang aming ginagawa sa okasyong ito ay nagpapasalamat parin kami dahil lagi kaming magkakasama .Ilang araw at linggo ang nakalipas bago ang aking unang kaarawan ,naisipan ng aking mga magulang na pagsabayin ang aking kaarawan at ang kaarawan ng aking lola .Masaya ang lahat ng sumapit ito napakarami naming handa at sabi nila'y halos lahat ng mga kaibigan at kamag-anaknamin ay naroon at nakikisaya sa aming okasyon .Sabi ng aking ama napaka rami ko raw regalo mula sa mga ninong at ninang kong nasa bang bansa.Naging masaya ang una, ikalawa hangang ika-anim na kaarawan ko. Nang maging pitong taon tanda ko, nagkaroon sa amin ng malapistang handaan sa sobrang daming tao. Ibat-ibang putahi ang nakahain sa mesa at isang malaking cake na man ang handog sa akin ng aking mga magulang na may dekorasyon ng aking paboritong na papanood sa telibisyon ang "POWER PUFF GIRLS"tapos pag pinipisil ay tumutunog kaya sobrang saya ko sa araw na iyon.
First communion namin noong grade 5 ako
      Sabi ng mga magulang ko ako raw ang pinakamadaling turuan sa pag babasa at pag susulat sa amin mag kakapatid dahil disiplinado daw ako at masunurin kaya madaling natuto.Enenrol ako sa mababang paaralan ng "SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL"bilang isang grade 1 ,ito rin ay kalapit lang ng aming tirahan .Sa unang araw ng pag pasok ko pag kasabik at pagkatakot ang nararamdaman ko dahil pag nasa loob ako ng silid aralan nagtuturo na ang aming guro ay ayoko na mawawla sa paningin ko ang aking ina dahil para sa akin noon ang nasa isip ko ay baka iwan ako at hindi na balikan pa.Ngunit ng sumunod na mga araw pagkahatid sa akin sa paaralan ay pinapauwi ko na siya at simula noon mag isa na akong umuuwi at pumapasok .Kapag kuhanan naman ng kard natutuwa sila dahil matatas ang aking mga grado pero laging puna ng aking mga guro ay laksan ang boses pag sumasagot kasi sobrang mahiyain ako ,pag tinatawag para sumagot ay nanginginig na ang aking mga tuhod sa pagtayo at umuurong ang dila ko sa pagsagot kahit alam ko ang kanilang tinatanong.Nakapasa ako bilang grade1 ako at grade 2 at noong nasa ikatlong grado naman ako naging mahina ako sa asignatura namin ng English lalo na sa ispeling pero gumawa naman ako agad ng paraan sa tulong narin ng aking ina .Tuwing madaling araw gumigising ako para magbasa at magsaulo kaya kapag nagkakaroon kami nag pagsusulit ay pumapasa na ako at nakakahabol narin sa mga grado ng iba kaya laking tuwa ko na nakapasa ako.
     
     Noong sumunod na taon grade 4 na ako tanda ko dalawang beses akong nagkasakit ng "DENGUE"una'y stage1 noong sumunod naman ay stage2 na kung saan sabi nila ito raw ang pinkamalal o delikado na muntik na akong salinan ng dugo pero pasalamat nalang ako sa tulong na dasal at pag aalaga nag aking mga magulang. .  
     Sa taong ding iyon unang beses akong nakaranas ng "OVER NIGHT CAMPING"masaya pala sa pakiramdam na kasama kong matulog ang aking mga kamag aaral at nakakaranas din ng pakikisalamuha sa iba upang matuto rin ng kagandahang asal sa iba.Tanda ko rin noon na nagkaroon din ako ng isang gurong iresponsable na masakit mang sabihin aynagmumukang pera , dahil mahuli lang kami ng kahit isang minuto sa klase niya ay magmumulta na kami ng piso(1.00)at kapag nagkaroon kami ng pagsusulit sa kanyang asignatura kapag bumagsak kami ay dapat na bumili ng tinda niyang palameg. Buti nalang at nagsumbong ang aking kamag-aaral sa kanyang ama at dali-dali naman nitong sinabi sa aming punong guro ang mga pinaggagawa nito .Binigyan pa naman ito ng pagkakataong mag bago. Naging masaya naman ang sumunod na taon sa piling ng mga bago at dati kong mga kamag-aaral ,sumapit naman ang 2007 na nasa ika-anim na baitang na ako,na napakasaya ng taong ito para sa akin dahil madaming kaganapan at bagong karanasan ang aking kakaharapin.    
       
     Dati sumali ako sa isang isport na "Volleyball"at tuwing pagkaawas namin ng hapon mga alas kwatro(4:00)ay ineensayo kami ng aming tagapag sanay sobrang higpit nila Sr.Jun at Mam Malou dahil kung minsan pinagbubuhat kami ng bola na ang laman ay buhangin,pasa-pasa kaming lahat at hindi titigil hanggat hindi sinasabi sa amin.Makaraan ang ilang linggo umayaw din ako dahil hindi ko na kinaya .Sa silid-aralan naman namin ako minsan ang inuutusan na magsulat sa pisara,taga lista ng maingay,taga basa ng aming leksyon,at taga paningil ng bayad para sa aming tanod .Tanda ko rin ang mga papuri ng aking mga guro ng pinagawa kami ng kahit anong guhit kamay at gamit lamang ang isang kulay ,napuri ako ng dahil dito at tanging ang iginuhit ko lang ang tinago ng aking guro at kinabukasan naman ay nagpagawa si Mam Cervanna ng isang gawain na sasagutan sa aming kwaderno, mayroon itong limang tanong tungkol sa isang sitwasyon.Matatapos ng magpa check ang aking mga kamag-aaral ay wala paring tumatama sa ikaapat na bilang ,natapos na silang lahat at ako ang huling lumapit sa aming guro at laking tuwa ko ng ako'y tumama sa lahat at perpekto amg aking iskor.Sa unang pag mamarka sa amin ay ako ang pinakamataas ang grado bagamat ako'y nasa seksyon B ay hindi dapat na magpahuli.Makalipas naman ang ilang buwan nagkaroon ng odisyon para maging "choir"ng aming paaralan,sumubok akong sumali pero hindi ako natanggap ,ayos lang naman ito sa akin dahil alam ko na may iba pa namang pagkakataon na darating sa akin,Pagkatapos nito,ng sumunod na araw naman ay nagkaroon ng pagtitipon ang aming mga guro para sa gaganaping"Recognition Day",nagulat ako ng sabihan ako ni Mam Cervanna na kasali daw ako sa gaganaping iyon at kasama ang ilan sa mga kamag-aaral ko.Pinagtohan daw nila ang mga estudyanteng tatanggap ng mga "ribbon"napili ako para bigyan nitona ang nakalagay ay "Most Honest".Kahit simpleng parangal lang iyon ay labis ko na itong ikinatuwa.Makalipas naman ang isang linggo ay nag karoong muli ng pagtitipon para naman ito sa gaganaping"Graduation".Nagtulong-tulong ang lahat para sa gagamiting dekorasyo,bumili ang mga magulang ng papel de hapon at kawad para sa paggawa ng artipisyal na bulaklak at istrong panali naman para sa harang ng aming paggaganapan .Itatali ito sa paligid ng aming court upang hindi makalapit ang mga manonood.Ako at ang aking mga kamag-aaral ay nag tulong-tulong sa pagaayos ng upuan dahil kinabukasan na nito ay ang araw na pinakakahintay namin .Kinabukasan ay ayos na ang lahat at ito na ang oras na kung saan maipapakita ko sa aking mga magulang at maging sa iba na hindi hadlang ang kahirapan o ano mang mga bagay para hindi ka makapagtapos .Ilang sandali pa'y tinatawag na isa-isa ang aming mga apilyido namin ,iba ang pakiramdam ng ako'y tumungtong sa intablado dahil nakikita ko ang aking inang lumuluha at nararamdaman ko sa mga sandaling iyon ang kanyang labis na kasiyahan at alam kong ikinararangal niya ako.Pagkababa ko sa hagdan ay kasabay ng pagpatak ng mga luha ko at sa sobrang saya ko'y niyakap ko ang aking ina at napabigkas ako ng"I LOVE YOU MOMMY,SALAMAT PO"at inabot ko ang aking diploma na may kasamang pulang rosas.    
    
     Napakasaya talaga ng araw na iyon na kung aking iisipin ang lahat ng patitiis na naranasan ko sa araw-araw, na kahit sampung piso lang ang baon ko ang pinag kakasya ko sa mag hapon, sa kabila nito ay pinag butihan ko pa rin ang aking pag-aaral at sa wakas ay nagbunga din ang paghihirap ng aking mga magulang.ang sumunod na mga araw ay bakasyon na 2 buwan din iyon kaya sinulit namin ang pagkakataon.pumunta kami sa probinsya ng aking ama sa Quezon.Malayo-layo rin ang aming biniyahe at ibang karanasan din ang maglakad sa isan magubat na daan na puro lamok at iba pang insekto.Katokot-takot din ang aming naranasan dahil tulay ang aming dadaanan bago makarating sa aming pupuntahan ,ang unang tulay ay tatlong kawayan ang tungtungan at napakalayo ng hawakan o kapitan nito ,kung mamalasin naman ang sino man sa amin ay babagsak sa mabatong ilog.Ang ikalawang tulay naman ay dalawang kawayang magkadikit na walang hawakan at umiingit tuwing kami’y hahakbang.Talagang dagundong ang aming mga dibdib ng mga sandaling iyon dahil habang nadaan kami ay mayroon din naman kaming kanya-kanyang dala,bitbit ko noon ay ung unan at sa tito Ronie ko naman ay isang galong tubig na mineral at sa iba ay ang kanilang mga bag na puno ng kanilang mga gamit tulad ng mga damit,toothbrush at iba pa.Tuwing magpapahinga kami ay umiinom kami ng tubig at naubos ito ng marating namin ang ikatlong tulay na kung twagin ay “HANGING BRIDGE”bakas na rin dito ang labis na katandaan o katagalan dahil ang mga kahoy na aming hahakbangan ay kung hindi butas ay inaanay na o tanggal na ang kalahati nito,na kung titingnan palang ay hindi na ito kakayanin pag dumaan pa kami rito.Nakaraos naman kaming lahat sa mga katakot-takot na mga tulay na iyon.
    
      Pagkatapos naming makatawid ay naglakad kaming muli sa may palayan na madaming maliliit na talangka na sobrang sakit kung mangagat kaya panakbo na kami upang makaalis na kami agad ,may mga nadapa at natutuunan pa ang mga ito kaya naghihiyawan na kami at sobrang sakit ng aming mga tiyan katatawa.Pagkadating namin sa bahay ng aming tiyahin na si Madelyn ,pinghanda niya agad kami ng aming kakainin at inaayos din ang aming tutulugan .Ang bahay nila ay katabi ng isang ilog na tuwing tag-init ay natutuyo at kahit ambon lang ay madali rin itong mapuno na halos abutin ang bahay nila .Masaya ang naging bakasyon namin kahit na noong bakasyon ay namatay ang aking lolo.Sa panantili namin doon na mga ilang linggo ,nalaman ko na napakahirap pala ng buhay sa Quezon ,dahil pag nagkakasakit ang mga taga roon ay inaantay nalang na mamatay dahil sa sobrang layo ng pagamutan ,ilang tulay at baryo ang dadaanan.Umuwi narin kami kinabukasan pag katapos ilibing ang aking lolo.
        Lumipas pa ang mga araw at sumapit na naman ang pasukan,nasa unang baitang na ako ng sekondarya ,masaya dahil high school na ako pero hindi pa ganoong ka”Matured”ang pag iisip at maging sa pangangatawan ko.Sa taong ito naranasan kong humarap sa maraming tao dahil ,noon napili akong gumanap bilang “Valeriana”hindi ko akalaing na magagawa ko iyon ,sa semi-finals nanalo kami o napili ,sa finals naman ay parang pangalawa lang kami sa tatlong naglaban.
Muling bumilis ang takbo ng panahon nalagpasan ko ang una at ikalawang baitang ng sekondarya .Noong nasa ikatatlong baitang na ako,sa una madali ang aming naging leksyon pero noong di kalauna’y pahirap na ito na pahirap at nagsimula na akong mahirapan sa aming mga asignatura lalo na sa “Chemistry”sobrang hirap intindihin .Pero kahit papaano ay nakapasa naman ako.
      Ngayon sa kasalukuyan ako ay 4th year high school na ,malinaw na sa akin ang mga bagay-bagay ngunit kailangan ko parin ng tulong ng iba .Sa unang tungtong ko sa taong ito sobrang sarap sa pakiramdam dahil maiisip o na “Eto na ,pagkakataon ko na para muling patunayan na hindi hadlang ang ano mang bagay para hindi ako makapagtapos”.Nang malaman ko sa unang pagkakataon kung sino ang magiging mga guro namin ay nagulat ako na may halong pagkasaya .Ang gurong tagapagpayo ay si Ginoong Vasquez na siya ring guro namin sa “Physics”,sa edukasyong pagpapahalaga naman ay si Gng.De Castro sa “Mapeh” ay si Ginoong Marfori sa Filipino naman ay si Ginoong Lacsam sa A.p ay si Gng.Sanchez ,sa English ay si Gng.Katigbak at sa Math naman ay si Gng.Putungan.
   
    Si Ginoong Lacsam ay dati ko nang kilala dahil naging guro din siya na aking 
panganay na kapatid na si Aldwin kaya medyo marami narin akong alam tungkol kay Sir.
    Sa unang araw ng pasukan ay sobrang tahimik ng seksyon namin dahil ilan lamang sa amin ang nanatili sa D ,ung iba naman ay galing sa ibang seksyon .Ung mga bago kong naging kamag-aaral ay sa una lang tahimik pero ng nakilala ko na ng husto saka lumabas ang kani-kanilang kakulitan ,may mga Emo kung tawagin,may smiling face ,ung iba nam’y parang  walang pakialam sa mundo pero masarap kasama.Lumipas ang mga araw at linggo ay naging komportable na kami sa isat-isa pati ng aming mga guro.Sa taong ito ay naging seryoso ako sa lahat ng bagay,kung minsan may nakakaagaw talaga ng aking pansin kahit nasa konsentrasyon ako at kahit ako’y abala kung minsan hindi ko naman nakakalimutan ang responsibilidad ko bilang anak o isang kaibigan.Sa oras ng aming klase sa leksyon lang talaga nakatuon ang aking pansin,ngunit kung minsan wala talagang pumapasok sa isipan ko kahit ilang beses ko itong tandaan .Masaya ang lahat ng aming klase kahit ano pa man ang aming asignatura o kung sino pa man ang aming guro.Iba rin ang karanasang muling humarap sa maraming tao na kahit na sabihing sa loob lang ito ng aming silid-aralan.Lahat kami naggawa na tula para maging proyekto namin sa Filipino ,mahirap man itong gawin ngunit natapos din naming lahat at isa-isa kaming tumula sa unahan,marami kami pero isa ako sa pinalad na makasama sa mga maglalaban laban.Nagkaroon pa nga na “Wild Card”at napunta ito kay Rueda na nagprisinta upang mapatunayan din niya sa kanyang sarili at maging sa amin na kaya niya ito.
ako kasama sina khim,lea,shiela at mariche 
     Bago pa man dumating ang araw na maglalaban-laban kami ay nag ensayo ako sa aming tahanan kung paano ang pagtayo,paglakad,pagkumpas ng mga kamay at maging panghihikayat sa mga manonood ay pinag aralan ko rin.Kinabukasan ay wala noon si Ginoong Lacsam kaya nakapag ensayo pa kaming muli at noong ika-tatlong araw naman ay hudyat na upang ipakita namin ang aming kakayahan.Nagbunutan kami kung sino ang una,ikalawa hanggang ika-walo.Ang nabunot ko ay 2 kaya pangalawa ako,umupo na kaming lahat sa unahan upang makita ang aming pagkakasunod-sunod.Unang tumula ay si Rueda na mahahalata sa boses nito ang pagkakaba at nahalata din ito dahil mayroon siyang nakalimutang isang salita ngunit nakatapos rin naman siya.Ang sumunod naman ay ako ,nasa isip ko sa mga sandaling iyon na kailangan kong ipakita ito ng ayos at upang mapatunayan rin sa sarili ko na “kaya ko ito “.Natapos ko naman ito ng walang nakakalimutan na kahit isang salita at sumuno na tumula ang ikatlo,ika-apat,ika-lima,hanggang ika-walo,aminado ako na napaka gagaling ng aking mga kamag-aaral tulad nila Alvin at Rubilyn. Sa araw ding iyon ay inanunsyo kung sino-sinu ang nanguna sa pagtulang ito.Si Alvin ang nakakuha ng pinaka mataas na marka ang pangalawa naman ay si Rubilyn at ang pangatlo ay ako .Pagkatapos nito ay binati ko ang aking kmag-aaral na nanguna rito.Ilang araw ang lumipas ay tumanggap kami ng sertipiko mula sa aming guro kasama sa binigyan ang mga nanguna rin sa pagsulat nito na may pinamagatang “Pisara”na isinagawa rin ni Alvin Bigata.Pag ka-uwi ay agad ko itong ipinakita sa aking mga magulang,nagulat sila ng ipakita ko ito at dali-dali nilang ipinakita sa kapitbahay at sinabi rin nila na buti pa daw ako marunong gumawa ng tula at kayang tumula sa maraming tao samantalang sila daw kahit isang saknong ay hindi nila kayang gawin .kaya ipinagmamalaki daw nila ako,sabi pa nga ng aking ama na ipapalamineyt daw nila ito para maisabit sa kwarto namin .Sa ibang asignatura namin tulad ng Mapeh ay kung minsan ay nagsasayaw at ang nagtuturo ay si Sr.Victorio at ang iba pang mga Mapeh teacher namin,masaya at enjoy kaming lahat sa aming mga ginagawa pero noong nagpapraktis kami para sa Field Demo ay nakaranas kami ng sobrang init at kapag hindi namin nagawa ng ayos ang pinapagawa sa amin ng ilang beses hanggang sa maitama namin at kung minsan pa nga’y bawat seksyon at linya ang ginagawa para makita kung sino ang may alam o kung sino din ang hindi saulo.Tungkol naman sa babayaran namin sa mga kagamitang gagamitin sa Field Demo ay pahirapan kami sa paghanap ng pang bayad dahil kasalukuyan kami’y gipit sa pera ,na confine pa noon ang aking panganay na kapatid,Nakabayad rin naman ako kaso nga lang muntik ng maubusan kaya huli na akong nabigyan.Kinabukasan nito’y ipinakita na namin sa lahat ang aming pinagpaguran at pinaghirapang sayaw.Naging maganda naman ang aming presentasyon at ganoon di ang mga 1st year at 2nd year .Lumipas ang mga araw at buwan ang sumunod naman naming pinag kaabalahan ang pag buo ng sayaw para naman sa gaganaping “Mini Olymphic”,ang nagturo sa amin ay si John Paul Manalang ,ilang linggong nagpraktis at nang dumating yung araw ng presentasyon ay medyo nagkagulo-gulo kami pero ayos lang dahil naging masaya din ang kinalabasan.
Abegail Librando
     Habang bumibilis ang panahon ay naiisip ko na parang ilang araw nalang ay mag kakahiwalay na kaming lahat at ang tanging maiiwan nalang ay ang mga ala-ala at mga sandaling kami'y magkakasama sa lungkot man o sa saya .Ang tanging hiling ko lang hanggang sa mga oras na ito na sana maka graduate ang lahat ng 4th year at maipapatuloy namin ang aming pag-aaral hanggang sa kolehiyo.

No comments:

Post a Comment