Saturday, February 19, 2011

Ang aking Talambuhay ni Rose Mae B. Tapay

Ang dalwa kong lola,isa kong tita at kapatid ko
            Ako si Rose Mae B. Tapay, 16 taong gulang. Nakatira sa Brgy. Sta. Isabel, San Pablo City.Bago ako ipinanganak, naglihi muna si mama na si Roxie R. Buitre, pinaglihi raw ako sa papaya at pansit kaya raw ako iyakin.At ang aking ama na si Romie C. Tapay. Nang ako'y ipinanganak na, iyak daw ako ng iyak na mahirap patahanim kaya daw laging puyat si mama sa pagbabantay sa akin.At pagkatapos mga 1 taon daw ako noon hindi daw ako umiinom ng gatas dahil ang gusto ko raw dedehin ay kape.Lagi din daw akong nakasimangot bihira lang ngumiti.Mga limang taon ako noon lagi raw akong namimintas sa iba at ang taray-taray ko kaya tinawag akong si taray ng mga kamag-anak ko.Tapos 6 taon na ako pumasok ako ng kinder kaso sandali lang akong pumasok noon kasi dineretso na ako agad sa grade 1.At nung grade 1 na ako nagkaroon ako ng madaming kaibigan pero madami ring kaaway.May hindi lang akong malilimutan noong grade 1 na pinagpalo ng guro ko ang aking mga binti dahil sa may isang word akong hindi mabasa kaya naman hindi ako pumasok ng isang linggo,hindi na nga sana ako papasok titigil na lang kaso pinuntahan ako sa bahay at humingi ng sorry sa akin.Grade 2 ang saya-saya ko kasi naman yung mga kaibigan ko ang bait-bait sa akin.Dito rin sa grade na 'to lagi kaming nagtutulungan, karamay ang bawat isa kapag may problema
Rose Mae B. Tapay 

Grade 3 may kaklase akong hindi kasundo sya ay lalaki piling siga kasi palagi nya kong pinapaiyak, minsan nagsumbong ako kay mama pero sinabi nya sa akin ang taray-taray ko pero isang lalaki lang  ang magpapaiyak sa akin.Sa oras na 'yon nagtampo ako kay mama.Tapos kinabukasan kumakain kami ng umagahan, makulit ako sa time na 'yon kaya naman nalaglag ako sa upuan at yung ulo 't noo ko ay napadali pa sa isang upuan,nagkaroon ako ng sugat dugong-dugo yon iyak na iyak din ako noon kasi takot ako sa dugo,pero buti na lang hindi napatahi yung noo ko at hanggang ngayon tandang-tanda ko pa 'yon kasi may peklat ako sa noo.Grade 4, nagkaroon ako ng bagong kaklase yung mga transfer student. Madali ko silang nakasundo lahat ng kalokohan sumasama sila. Isang araw nag-cutting kami  pumunta kami sa bundok naglakwatsa, umakyat ng puno, kumuha ng mga prutas at kung anu-ano pa ang ginawa naming kalokohan.Sa araw ding iyon nahuli kami ng aming guro pero buti na langhindi kami naparusahan dahil sa ginawa namin.Grade5 naging adviser namin si Gng.Fe P.Manahan,isa siyang mabait na guro isa siya sa mga naging paborito ko.Kapag may kaylangan kami siya kaagad ang unang mag-aalok ng tulong.
grade VI-B
Graduation
Grade 6 dito ako nalungkot kasi naman magkakahiwalay na kami ng mga best friend ko, pero kahit ganon naging masaya rin ako dahil sa nagkaroon kami ng magagandang alaala.
stolen shot ko
         Nasa first year na ako noon wala akong kakilala sa mga kaklase ko pero kinaibigan nila ako kaya hindi ako malungkot noon.Pero nang magtatapos na ang first year. Nobyembre 15, 2006 tumigil ako sa pag-aaral sa dahilang financial sa pera at saka nagkaroon ako ng kagalit.Pangalawa kong first year  wala rin akong kakilala at huli na kong  pumasok Hulyo 21,2007 dapat nasa lowest seksyon nga ako dapat pero inilipat ako ng seksyon E mula sa N salamat na lang kay Gng.Briñas napakabait niyang guro.Second year seksyon E pa rin ako nagkaroon ng bagong classmate pero masaya kasi nakasundo ko naman sila lalo na si Lacap na hanggang ngayon kaklase ko pa siya tapos si Mary-Ann Ibale na isa sa tinuturing kong matalik na karibal sa Math pero magkaibigan kami at si Zylene mabait siya kaya naman madali ko syang naging kaibigan.Ang naging paborito kong guro ay si Sir Mission, guro siya sa matimatika o sa ingles mathematics.Third year, nagkaroon din ako ng bagong mga kaibigan pero ganun pa rin mabilis ko silang nakasundo at pero ang daming maaarte sa year na yon sobrang nakakainis.
JS PROM 2011
Zarah,Giselle,Rubylyn,Marjorie,AKO
        At sa year na yon first time kong sumale sa isang school activity ito yung concert dahil don gala na ko nakauwi sa amin.Pero sa bandang huli naging masaya ako kasi na-enjoy ko naman.Isasama ko na din ang bakasyon kasi nakakainis ang aking bakasyon sa kadahilang puro na lng ako ang gumagawa sa bahay at mapa sa labas ng bahay  sobra-sobra talaga akong naiinis,pero sabi ni mama sadyang ganon kasi naman si ate ay buntis at ang isa ko pang ate may trabaho na,pati si mama at papa may trabaho,pero sa kapatid kong lalaki wala man lang akong maasahan sobrang tamad hindi mautusan sa bahay o kaya bibili sa tindahan.Fourth year na ako ngayon madami ako ngayong mga bagong kaklase at mas mga nakasundo ko pera lang yung iba ayoko kasi ng mga ugali nila.Pero yung mga katabi ko sa likod ng aming silid-aralan ay mababait tulad nala nina Yna, Iyy, Giselle, Kim, Mariche, Abby, Shiela, Jehanne, Lacap at kung sinu-sino pa.Itong year na to ito ang pinakamasaya kasi puro sila masiyahin at mga nakakatuwa sila lalong-lalo na si Kim ang sarap asar-asarin pero mabait naman siya.At hindi ko rin makakalimutan ng nagalit ako sa isang practice teacher sa math na si Ma'am Viterbo kasi pinaiyak niya ako para nagtatanong lang ako sa kanya.At isa pang hindi ko malilimutan bilang isang fourth year student ay nang pinaiyak ako ni Lily talagang galit na galit ako sa kanya ngayong fourth year .Masayang-masaya ako ng naka-attend ako sa JS ngayong fourth year kasi nung third year hindi ako naka-attend.Pero medyo nalungkot din ako noon kasi hindi ako masyadong nakapag-enjoy ayaw ko kasing makipag-sayaw.hanggang ngayon natutuwa ako na naging kaklase ko silang lahat.Minsan nalulungkot ako dahil pag naiisip ko na gra-graduate na kami iiwan ko na ang pinaka masaya kong experience ng high school.Masaya din ako na naging kabarkada ko sina Lacap, Giselle, Ivy at syempre si Jehanne.Kahit minsan naiinis ako sa kanila itinuturing ko pa rin silang mga kaibigan.At natandaan ko pa na nagalit ako sa isang kaklase ko kasi niloko nila ko ng niloko,maigsi pa naman ang pasensya ko. At siguradong malulungkot ako kapag gumaraduate na kami kasi matatapos na ang taon ng aking pagiginghigh school na pinakamasayang nangyari sa buhay ko.Pero sabi ko na naman sa sarili ko na may magaganda namang naiwang remebrance sa akin na hndi matutumbasan ng pera o nang kung anong bagay ang aking mga alaala ng bilang isang highschool student.

No comments:

Post a Comment