Unang nagkakilala ang aking mga magulang sa JC MARUSHO COMPANY, ito ay isang
factory ng mga nata, delata, at ketcup.
Niligawan ng aking ama si ina sa pamamagitan ng pagpasok n'ya sa negosyo ng aking lolo bilang
driver. Sila ay nag-dedeliver ng buko at niyog sa iba't-ibang panig ng Laguna.
Strict ang
parents ni mama. Ng nalaman nila ang relasyon ng aking mga magulang, nagalit ito at gusto silang pag-hilawayin. Mahal na mahal nila ang isa't-isa at kapag naka gradute na si mama ipapadala s'ya sa Canda upang doon maghanap ng trabaho. Kaya napilitan silang magtanan. Nasayang ang pag-aaral ni mama kasi isang
semester na lang
graduate na sana sya sa kursong
midwifery. Nagtungo sila sa Masbate, dito lumaki ang aking ama. Doon ako nabuo at pagkalipas ng tatlong buwan ay bumalik sila dito at kaagad agad ay nag-pakasal.Sai pa nga ng mama ko noong oras na naglilihi s'ya sa akin kahit alas-dose na ng hating-gabi ay ipinabibili pa din n'ya si papa ng vanilla ice cream at siopao.
Pagkalipas ng ilang buwan, araw ng Junyo 12 1995, ipinanganak ang kanilang unang anak. Pinangalanang nila ito na Marrjorie Ann Exconde Mondares. Ayon sa kwento ng lola ko, habang nasa OR (operatin Room) si mama hindi nila makita si papa, kasi nakatulog daw ito sa jeep, habang hinhintay sila. Nang makalabas kami sa ospital tuwang-tuwa silang lahat lalong-lalo na si lolo. Ayon sa kwento ng tiya ko, minsan nag-seselos daw siay noon sa akin kasi parang hindi na s'ya pinapansin ng lahat kasi laht daw ay nakatuon sa aki ang pansin, gayong s'ya ang bunsong anak.
Spoiled brat daw ako kay lolo, sa tuwing ito daw ay nagbababa ng buko at niyog laging kung anu-ano ang ipinamimili nito sa akin.
 |
It's me on my 1st Birthday |
Pagkalipas ng iilang linggo pumunta kaming mag-pamilaya sa Masbate tuwang-tuwa din sila sa akin.Pagkalipas ng tatlong linggo, napilitan silang iuwi aq dito. Kasi nagkaroon ako ng
DIARRHEA. Ako ay ipina cheak-up nila doon ngunit mali ang ibinigay na gamot na ibinigay ng doktor sa akin. Pagkadatin na pagkadatin ko dito agad-agad akong isinugod sa ospital. Nagalit ang lolo at sila ay pinagsabihan "kung alam ko lang pala na hindi ny'o kayang pangalagaan ang aking apo hindi ko na sana kayo pinayagan, tandaan ny'o kapag may nangyaring masama sa aking apo hinding-hindi ko kayo mapapatawad". Sa awa naman ng Diyos ako ay gumaling at nagkaayos na din sila. nang ako'y siyam na buwan pa lamang, sa panahong ito namatay ang aking lolo. Naging malungkot silang lahat lalo na ang lola ko. Inatake ang lolo sa puso at dahil na rin sa high-blood. Hanggang sa huling pagkakataon ako pa rin ang hinahanap nito. Sayang lamang at hindi ko man lamang napasalamatan s'ya at hindi n'ya ako nakitang lumaki.
 |
It's me when I was in Kinder |
Makalipas ang lang taon pumasok ako ng kindergarten sa gulang na limang taon. Napakabibo ko daw at lahat daw ng makita ko ay kinakausap ko kahit hindi ko i to kilala. Isang araw, panghapon ako noon. Alas tres na ng hapon ang awas ko ngunit yung akin sundo ay als sinko na dumatin. Muntikan na akong mawala noon, kasi lumabas ako ng gate ng school. Buti na lang at may nakadampot sa akin, isang napakabutin matanda. Iyak daw ako ng iyak, tinanong ako ng matanda "bakit ka naiyak ineng? Nawawala ka ba? Siya tara na at ihahatid kita sa school mo" Buti na Lang naka-uniform pa ako noon.
Accelerated ako noon at pag-katapos ng kinder Grade One kaagad ako. Pumasok ako sa San PAblo Chung Hua Scool. Napakaraming nangyari sa akin noon.
 |
This is me when I was a candidate for
Mr. & Ms. Foundation |
Isa na rito ang maging finalist ng MR. and MS. FOUNDATION ng aming school. Sa kasamaang-palad first runner-up lamang ako kasi ang naging champion ay isan anak ng teacher sa amin. Dahil sa isang chinese school ako pumasik, sa umaga ay academic subect at sa hapon ay ang pag-aaral ng lengwahe ng mga chinese. Sa katotohan hangang Grade three lamng ako ng-aral ng chinese dahil sa totoo naman ay wala naman akong natututunan doon. Lumipat kmi ng bahay noong Grade four ako. pumunta kami sa Masbate. Doon nakaranas kami ng kahirapan. Noon nalaman ko na nahihirapan ang magulang ko kaya pinaghusayan ko ang aking pag-aaral, kaya naging first honor ako.
 |
It's me in graduation in elementary |
Bumalik kami dito ng ako'y Grade Fiive. Sa hung Hua pa din ako pumasok. pinipilit akong pumasok ulit ng chinese ng aking nga kaklase pero ayoko talaga. Kaya ayon half-day lang ako lagi, kaya pinabili ako ni mama ng grocery sa centro. Sa kasamaamg palad ako ay nadulas gawa ng saging. Grabe nakakahiya ang dami pa din namang nakakita noon. Napapatawa na nga lang ako kapag naaalala ko yon.
Noong Grade six ako umalis si papa pumunta ito sa abroad sa Suadi Arabia,doon naging painter s'ya. noon ko narealize na mahirap pala ang mawalay sa mahal sa buhay. ayoko ng maulit pa iyon pero sabi n'ya para sa future ko yun. Lagi ko na lang daw isipin na lagi s'yang nasa tabi ko. Pagkatapos na pagkatapos kong mg-speech noong graduation day, tumawag agad s'ya sa akin.
 |
This is me on Laiya beach in
Batangas City. |
Ang regalo n'ya sa akin ay isang out of town outing. Pumunta kami sa Laiya, Batangas. Napakaganda doon white sand beach. We've taken so many pictures there. Umuwi si papa noong 2008 dahil hindi na n'ya kaya ang HOMESICK n'ya doon. Pumunta kami sa Masbate noon. Dumating ang high-school life. Pumasok ako ng first year sa LAGUNA COLLEGES. Doon ko nakilala si joana Orillaza ang akin best-friend, tatlo sana kmi, kaso nagtampo yong isa sa akin kasi kami lagi ang magkasam ni joana.
 |
One of my high-school friends |
Nagtransfer ako ng second year sa COL. LAURO DIZON MEM. NTIONAL HIGH SCHOOL.Doon ko sila nakilala. two-C aq noon.
I've thought my life would be miserable. Pero mali pala ako. Dito ko nakita ang tunay na ako at ang tunay na kaligayahan. Noong third year ako three- C ako. Napakadaming nangyari sa buhay ko noon.
Isa na nung ngswimming kmi sa Country side, napak memorable yun para sa akin. Basta ang saya-saya.

Ako nga pala si Marjorie Ann Mondares mabait na anak.may takot sa Diyos at matalino. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng aking buhay. Thank you :))
No comments:
Post a Comment