Monday, September 26, 2011

etong blog n toh

kmi lng nman po ang npili ni Ginoong Lacsa sa pagandahan at paayusan ng blog site hehehe....

Sunday, February 20, 2011

Ang buhay ni Marjorie Ann E. Mondares

          Unang nagkakilala ang aking mga magulang sa JC MARUSHO COMPANY, ito ay isang  factory ng mga nata, delata, at ketcup.
Niligawan ng aking ama si ina sa pamamagitan ng pagpasok n'ya sa negosyo ng aking lolo bilang driver. Sila ay nag-dedeliver ng buko at niyog sa iba't-ibang panig ng Laguna. Strict ang  parents ni mama. Ng nalaman nila ang relasyon ng aking mga magulang, nagalit ito at gusto silang pag-hilawayin. Mahal na mahal nila ang isa't-isa at kapag naka gradute na si mama ipapadala s'ya sa Canda upang doon maghanap ng trabaho. Kaya napilitan silang magtanan. Nasayang ang pag-aaral ni mama kasi isang semester na lang graduate na sana sya sa kursong midwifery. Nagtungo sila sa Masbate, dito lumaki ang aking ama. Doon ako nabuo at pagkalipas ng tatlong buwan ay bumalik sila dito at kaagad agad ay nag-pakasal.Sai pa nga ng mama ko noong oras na naglilihi s'ya sa akin kahit alas-dose na ng hating-gabi ay ipinabibili pa din n'ya si papa ng vanilla ice cream at siopao.





             Pagkalipas ng ilang buwan, araw ng Junyo 12 1995, ipinanganak  ang   kanilang   unang  anak. Pinangalanang  nila  ito na  Marrjorie  Ann  Exconde Mondares. Ayon sa  kwento ng lola ko, habang nasa OR (operatin Room)  si  mama hindi nila makita si papa,   kasi  nakatulog   daw  ito sa jeep,    habang hinhintay  sila.  Nang   makalabas  kami sa  ospital tuwang-tuwa silang lahat lalong-lalo na si lolo. Ayon sa kwento ng tiya ko, minsan nag-seselos daw siay noon sa akin kasi parang hindi na s'ya pinapansin ng lahat kasi laht daw ay nakatuon sa aki ang pansin, gayong s'ya ang bunsong anak. Spoiled brat daw ako kay lolo, sa tuwing ito daw ay nagbababa ng buko at niyog laging kung anu-ano ang ipinamimili nito sa akin.

 

It's me on my 1st Birthday
       Pagkalipas ng iilang linggo pumunta kaming mag-pamilaya sa Masbate tuwang-tuwa din sila sa akin.Pagkalipas ng tatlong linggo, napilitan silang iuwi aq dito. Kasi nagkaroon ako ng DIARRHEA. Ako ay ipina cheak-up nila doon ngunit mali ang ibinigay na gamot na ibinigay ng doktor sa akin. Pagkadatin na pagkadatin ko dito agad-agad akong isinugod sa ospital. Nagalit  ang lolo  at sila ay pinagsabihan "kung alam ko lang pala na hindi ny'o kayang pangalagaan ang aking apo hindi ko na sana kayo pinayagan, tandaan ny'o kapag may nangyaring masama sa aking apo hinding-hindi ko kayo mapapatawad". Sa awa naman ng Diyos ako ay gumaling at nagkaayos na din sila. nang ako'y siyam na buwan pa lamang, sa panahong ito namatay ang aking lolo. Naging malungkot silang lahat lalo na ang lola ko. Inatake ang lolo sa puso at dahil na rin sa high-blood. Hanggang sa huling pagkakataon ako pa rin ang hinahanap nito. Sayang lamang at hindi ko man lamang napasalamatan s'ya at hindi n'ya ako nakitang lumaki.




It's me when I was in Kinder
       Makalipas  ang  lang  taon  pumasok  ako  ng  kindergarten sa  gulang na   limang taon.  Napakabibo   ko   daw at   lahat   daw   ng   makita ko   ay   kinakausap   ko  kahit   hindi    ko i to kilala. Isang araw, panghapon ako noon. Alas tres na ng hapon ang awas ko ngunit yung akin sundo ay als sinko na dumatin.   Muntikan na   akong  mawala noon,  kasi   lumabas   ako   ng gate   ng   school.  Buti na lang at may nakadampot   sa   akin, isang napakabutin matanda. Iyak daw ako ng iyak, tinanong ako ng matanda    "bakit ka naiyak ineng? Nawawala ka ba? Siya tara na at ihahatid kita sa school mo" Buti na Lang naka-uniform pa ako noon.
Accelerated ako noon at pag-katapos ng kinder Grade One kaagad ako. Pumasok ako sa San PAblo Chung Hua Scool. Napakaraming nangyari sa akin noon.








This is me when I was a candidate for
Mr. & Ms. Foundation
         Isa na rito ang maging finalist ng MR. and MS. FOUNDATION ng aming school. Sa kasamaang-palad first runner-up lamang ako kasi ang naging champion ay isan anak ng teacher sa amin. Dahil sa isang chinese school ako pumasik, sa umaga ay academic subect at sa hapon ay ang pag-aaral ng lengwahe ng mga chinese. Sa katotohan hangang Grade three lamng ako ng-aral ng chinese dahil sa totoo naman ay wala naman akong natututunan doon. Lumipat kmi ng bahay noong Grade four ako. pumunta kami sa Masbate. Doon nakaranas kami ng kahirapan. Noon nalaman ko na nahihirapan ang magulang ko kaya pinaghusayan ko ang aking pag-aaral, kaya naging first honor ako.



      

It's me in graduation in elementary
Bumalik kami dito ng ako'y Grade Fiive. Sa hung Hua pa din ako pumasok. pinipilit akong pumasok ulit ng chinese ng aking nga kaklase pero ayoko talaga. Kaya ayon half-day lang ako lagi, kaya pinabili ako ni mama ng grocery sa centro. Sa kasamaamg palad ako ay nadulas gawa ng saging. Grabe nakakahiya ang dami pa din namang nakakita noon. Napapatawa na nga lang ako kapag naaalala ko yon.
Noong Grade six ako umalis si papa pumunta ito sa abroad sa Suadi Arabia,doon naging painter s'ya. noon ko narealize na mahirap pala ang mawalay sa mahal sa buhay. ayoko ng maulit pa iyon pero sabi n'ya para sa future ko yun. Lagi ko na lang daw isipin na lagi s'yang nasa tabi ko. Pagkatapos na pagkatapos kong mg-speech noong graduation day, tumawag agad s'ya sa akin.




This is me on Laiya beach  in
Batangas City.
        Ang       regalo    n'ya       sa akin ay isang out of town outing. Pumunta kami sa        Laiya,   Batangas.     Napakaganda      doon     white     sand    beach.         We've taken so many pictures there.  Umuwi si papa noong 2008 dahil hindi na n'ya kaya ang HOMESICK n'ya doon.   Pumunta kami sa Masbate noon. Dumating ang high-school life. Pumasok ako ng    first year sa      LAGUNA          COLLEGES. Doon ko nakilala si joana Orillaza ang akin best-friend, tatlo sana kmi, kaso nagtampo yong isa sa akin kasi kami lagi ang magkasam ni joana.






One of my high-school friends
     Nagtransfer ako ng second year sa COL. LAURO DIZON MEM. NTIONAL HIGH SCHOOL.Doon ko sila nakilala. two-C aq noon.
 I've thought my life would be miserable. Pero mali pala ako. Dito ko nakita ang tunay na ako at ang tunay na kaligayahan. Noong third year ako three- C ako. Napakadaming nangyari sa buhay ko noon.
Isa na nung ngswimming kmi sa Country side, napak memorable yun para sa akin. Basta ang saya-saya.





        Ako nga pala si Marjorie Ann Mondares mabait na anak.may takot sa Diyos at matalino. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng aking buhay. Thank you :))

Talambuhay ni Jehanne Macatangay

Jehanne at si papa
Oktubre 17,1994 ng ako`y isinalang,pinangalanang Jehanne S. Macatangay ng aking mga mahal na magulang na sina Ilani Macatangay at Jelson Macatangay at may isa akong kapatid na si Jellence Macatangay. Bunso ako sa dalawang magkapatid . Minsan may nagsasabi muka dw hindi kami magkapatid kase ``Black Beauty’’  ako at si ate naman ay ``maputi’’ pero mahal na mahal  namin ang isa`t-isa. At lumaki ako sa lugar kung saan naging permanente naming tirahan, ito ay sa Brgy. II-E, San Anton,San Pablo City,Laguna, doon namulat  ang aking isipan .
ako noong grade 1
 Ako ay nag-elementarya  sa mababang paaralan ng San Anton Elementary School. Sa unaung baitang ko sa elementarya, s aking pagpasok rito ay lubos kung nauunawaan ang mga bagay-bagay sa akng paligid at natutunan ang iba`t-ibang salita. At noong nang baitang ko, naging guro ko si Gng. Flores ang amin tagapayo. At sa ikalawang baitang ay dito ako nagkaroon ng pagkatakot sa aking guro, at hindi ko malilimutan ang aking ma ginagawa nung ako ay nasa ikalawang antas na. At nung ikatlong baitang ako lalo akong nagkaroon ng madaming kaibigan at masasayang alaala. At nasa ikaapat na baitang na ako,hindi ko malilimutan ang pagpipintura namin sa classroom.At nung nasa ikalimang baitang ako lagi akong inaasar ng kaklase kung makulit na hindi ko malilimutan.At nung nasa ikaanim na baitan na ako wala na ako masyadong naging karanasan dahil magkakahiwalay na kaming magkakaklase at nakakilala ng mga kaibigan na naging bahagi nang aking buhay,hanggang sa ngayon nagtapos ako ng elementarya dala-dala ang aking medalya na may taos noong pagmamalaki,hindi man nakakuha ng parangal.Ngunit nandoon ang aking pangarap na makatung-tong naman sa sekondarya.
Highschool Life
Jehanne
Namulat ang aking mga mata ng ako`y nakapag-aral naman ng highschool sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.Nang mga panahong ito,tricycle driver ang aking ama at nagtatrabaho naman sa orange laundry shop ang aking ina. Dito muli ako nakakilala ng mga matatalik na kaibigan sa totoo, hindi biro ang makisama sa mga taong nakapaligid sa akin.May mga totoo sa sarili , may mapagkunwari at mayroon din namang magagaling makibagay.Swerte ako dahil nakakilala ako ng mga kaibigan ko,na mayroon ako ngayon.Kasama ko sila sa lungkot at sa saya man. Hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan ngunit agad din naman namin iyong naiaayos.
Sa tuwing makakasama kami lagi kaming nagkakatuwaan at minnsan naglolokohan din.Naalala ko merong isang bata na tumakbo at bigla itong nadapa agad ko naman ito tinulungan kasi naawa ako dahil yung mga kasama ko ay pinagtatawanan ito.Nang ito ay naito ko na bigla naman ito nagpasalamat sa akin,nang ito ay umalis,kitang-kita ko na bigla tumulo ang laway nito,napatawa naman ako at siya.Nang matapos iyonn bumalik na kami sa clasroom namin.Nang pagdating namin pinag-uusapan namin yung nang yari doon sa bata at nagtawanan nanaman kami.Nang kami ay awasan na nakasalubong ko nanaman ito ay napangiti kami sa isa’t-isa.Nang ako ay umuwi na ikinukwento ko ito sa aking mama.At ang sabi sa akin ay “jehanne ngayon ko lang nalaman na may puso ka din pala”at bigla naman ito napatawa.Isang araw bigla naman sumama ang aking pakiramdam, hangang sa nag kasakit na ako,ang akin mama naman at ang aking papa sa aking dahil antaas ng aking lagnat muntik na nga ako maisugod sa ospital buti nalang bumaba nalang . Mga dalawang araw mabuti na ang aking pakiramdam tapos  bigla naman umulan at nagkatuwaan kami ng aking mga pinsan at naligo kami sa ulan kami ay nagtatakbuhan, yung isa kung pinsan may dalang bote at hinahampas ito samin pag kami ay naabutan . ang saya saya ko noon  dahil minsan lang mangyari ito ng tumila na ang ulan hindi muna kami nagbanlaw , nagpatuyo muna  kami ng aming katawan ng ako`y tuyo na tsaka ako naligo e gabi na iyon , maya maya  bigla naman ako inubo  dahil natuyuan ako ng lamig . Kinabukasan nilagnat nanaman ako at napagalitan pa ako sabi ng aking mama hinding hindi na daw yon mauulit .
Jellence
Candidate for Lakan At Mutya
Merong pumunta sa amin na isang maginoong , atang ngalan naman isang kilalang designer  at nagmungkahi  naman ito kung ano ang sadya nito sa amin at nilahad ito, sa aking mama at papa akalaing na ang kapatid ko pala ang sadya nito si ate ay inaalok na sumali sa isang timpalak na LAKAN AT MUTYA NG SAN PABLO .Ang ate ay nag dadalawang isip pa muna  ito dahil inaalala niya ang kanyang pag aaral baka kasi ito masira sa kanya hindi muna ito sumang ayon dahil tinatanong muna ito ng aking mga magulang at kung saka sakali daw itong pumayag sa inaalok nito kay ate , nag bigay naman ito ng  kanyang cellphone no. may ilang araw na inisip ng aking ate kasi nag dadalawang isip pa nga ito habang nagkasunduan na nga ang aming pamilya na sumali na nga ito . Dahil para sumikat pa lalo ito at nag pasya na din ng aking ate na sumali na nga ito kasi para sa kanya din ito mga ilang araw pinuntahan  na ng aking ate si sir Gamo para sabihin ang pasya nito.Nung magkausap sila nito tuwang tuwa si sir Gamo dahil sumang ayon ito sa alok nito sa kanya. Nang naghahanda na ang aking ate para mainsayo ang dami-dami niyang natutunan kay sir Gamo. Sumapit ang labanan ng LAKAN AT MUTYA  hinding hindi naman ito nagpatalo dahil alam niya sa sarili na mananalo siya at may laban siya nung mang husga na ang hurado . Ang aking ate ay pasok ng sa top10 ganun lang ang nakuha niya ibingay niya pa din ang kanyang makakaya .
Jehanne 4th yr
                Dahil sa pagiging parte bilang `teenager’natutunan ko rin humanga sa mga taong nagiging malapit sa akin . Dahil nga sa dalaga na ako ay may limitasyon din .Prioridad ko pa rin ang aking pag aaral bago ang pag ibig . At ngayon ngan`y nasa ikaapat na taon na ako sa highskul nag iisip na rin ako na magandang kurso para sa akin ng sa gayon ay maihanda ko ang aking sarili para sa buhay kolehiyo







Ang Talambuhay ni Giselle P. Sacdalan

Ang ina at ama ko
             Ang aking inang si Elizabeth P. Paler ay tubong Bisaya na nagpuntang Maynila para magtrabaho para sa pamilya . Sa pakikipagsapalaran niya, napunta siya sa Calamba,Laguna at nagtrabaho sa maliit na kapiterya . Sa lugar na iyon, dun sila nagkakilala at nagsama ng aking amang si Gonzalo C. Sacdalan na isang businessman. Pinagbabawal ang naging relasyon ng aking ama`t ina dahil may legal na asawa ang aking ama sa Maharlika Highway,San Pablo City,Laguna at apat na anak dito.Bukod pa dito napakalaki ng tanda ng aking ama sa aking ina.Maraming humadlang o tumutol sa kanilan pagsasama. Sa kanilang pagsasama ,nabuo ang kanilang pagmamahalan ,yun ay ang aking ate na si Mary Grace Paler Sacdalan,ipinanganak noong ika-apat ng oktubre,1991 sa Brgy. Sto.Cristo.Pinagamit na ni itay ang kanyang apelyido kay ate kahit hindi pa sila kasal ni inay.
Baby Giselle

         Lumipat ng bahay ang aking magulang sa Villa Antonio phase 2 at dun ako nabuo noong ika-26 ng Nobyembre ,1994.Ang nagbigay ng pangalang ``Giselle’’ sa akin ay ang ama ko, kinuha niya ito sa kinagigiliwang artista noon na si Giselle Sanchez. Nai-rehistro ang pangalan ko bilang Giselle Polo Paler,dahil nalaman ng aking ina na illegal ang apelyidong dala ng aking nakatatandang kapatid. Muli kaming lumipat ng bahay sa Guadalupe II, at doon ipinanganak ang bunso at nag-iisang lalaki na si Glen Polo Paler noong Oktubre 12,1996.
Giselle noong 5 taong gulang pa lamang
          
       Lumipat muli kami sa Villa Rey. Sa lugar na iyon ,dun kami nagkaisip at nagkaroon ng maraming kalaro . Alam na namin simula pa nung bata pa kami, na kami lang ay pangalawang pamiya ni itay. Kaya sal-itang araw lang namin siya nakakasama noon. Kami pa noon ay mahilig mag-out of town.Madalas napapaliban kami sa klase. Marami kaming napapasyalan, dahil buy and sell ang isa pang trabaho ni itay sa sasakyan. Lagi naming pinupuntahan noon ang Calamba,Laguna.
ang ate ko at ako
                 
                 Noong mga bata pa kami ni ate ay lagi kaming napagkakamalang kambal dahil pareho ang style ng aming buhok pananamit, at syempre dahil magkasingheight. Nung una lagi akong nakasunod kay ate at lagi ko syang ginagaya. Gaya ng mga bagay na ginagawa niya tulad ng pagguhit ng manga o comics ,pagsusulat ng kwento,pangongolekta ng stickers at iba pa.At madalas nagkakasundo kai sa gusto gaya ng japanese,taiwanese,at korean songs at sa mga anime.
                Tanda ko pa noong ako ay limang taong gulang pa lamang,dinala ako ng aking ama sa kanyang bahay sa Maharlika Highway.Iniwan ako ni itay sa loob ng kotse.Napansin ko ang  isang babae at hindi ko malilimutan kung paano niya ako tingnan.Sa pagbalik ni itay ay lubos akong natuwa sa dala niyang ice cream.Huli ko nang nalaman na ang babaeng nakita ko ay ang unang asawa pala ni itay.
                Isang araw,nakita ko si itay na kausap si inay.Sa pag-alis ni itay,naiyak si inay.Tumakbo si ate,tumakbo din ako .Di ko alam kung bakit siya natakbo at di ko rin alam kung bakit ako sumunod. Kahit bata pa ako noon,ang pumasok kaagad sa isip ko ay maghihiwalay na si inay at si itay.Nalaman ko na lamang na ang sinabi pala n itay ky inay ay sumakabilang buhay na ang unang asawa ni itay.
                Nagpaalam na kami ni ate sa mga kalaro naming dahil lilipat na naman kami ng bahay.Sa Teomora Village Phase 1,Sacdalan Compound,Brgy. San Gabriel,San Pablo City,Laguna.Lumipat kami sa lupain ng aking ama.Mabilis din kaming nagkaroon ng kaibigan.Naalala ko,dumating sa aming bahay ang mga magulang ng aking ina at pati mga kapatid niya.Naka-close namin si ate Sheryl na inaakala naming bunsong kapatid ni inay,nay un pala`y anak sa pagkadalaga ni inay.
                Noong nag-anim na taon na ako,pinag-aral ako sa Saint Paul Learning Center bilang kindergarten.At doon din pinag-aral si Glen nung nag-anim na taon na siya.Si ate ay sa Evangelical Church School nag-kinder.Nung kinder ako,pakiramdam ko noon,di ako nabibilang kasi ang tangkad ko,pinakamataas ako sa babae at lalaki kong kaklase.Malapit ako sa mga kaklase kung lalaki kaysa sa babae.Noong birthday ko noong kinder may handaan sa room,tuwang-tuwa ako. Ang daming palaro noon sa room halos yung buong araw ng klase ay nabaling sa birthday party ko.Dumating na ang graduation ko noong kinder,may pinaractice kaming sayaw na gagawing umpisa ng graduation day.Nakalimutan pa ng ina ko noon yung susuutin kung damit na kinaiyak ko sa mismong araw ng graduation.Umuwi pa kami noon at muntik ng ma-late sa Graduation.Ako ang may pinakamababang parangal na natanggaap ,dahil nga sa hindi ko pagiging active sa klase.Ang naging parangal ko lamang noon ay ``Most Industrious”.
                Noong mag-gegrade 1 pa lang ako sa Ambray Elementary School,excited na excited ako dahil bago at tuwang-tuwa ako sa bag kong roller na pink.Pero ng sumapit na ang unang araw ng pasukan ng makita ko ang school. Ayaw kung paalisin ang aking ina dahil ang tingin ko sa ambray noon ay napakalaki na baka hindi na ako balikan ng ina ko doon.Nagwala ako noon,nag-iiyak,ang section ko dapat nung grade 1 ay A,pero hindi ako pumasok dahil nga iyak ako ng iyak.Ng lumipas ang dalawang araw sapilitan na akong dinala sa school noon.Hindi na ako tinanggap ng I-A,puno na daw ang estudyante kaya bumagsak ako sa lowest section sa I-D.Nagwawala pa rin ako noon at ayaw kung paalisin ang ina o ama ko sa room,gusto ko noon bantayan nila ako.Kaya napilitan noon ang magulang ko na pumasok din sa klase kasama ko.Nakilala ako sa school,dahil sa araw-araw kung pag-iyak at pagwawala.Ngunit isang araw,pinagplanuhan ng ina ko at mga teacher na ipad-lock ang room.Iniwanan ako ng ina ko.Umiyak ako ng umiyak at nalakas lalo ang iyak ko tuwing papagalitan ako ng teacher ko.
                Sa pagdaan ng araw,nasanay na rin ako,nagging kaibigan ko noon si Maurice na tinuturing naming pinsan ang isa`t isa kahit hindi.Naging aktibo ako noon sa klase at ako ang nagging top2 sa klase ng grade 1.Noong mga araw na iyon madalas umalis si inay at si itay,pinapahabilin kami sa kapitbahay.Inaasikaso pala nila ang kanilang kasal na tumagal din,dahil sa naihabla sila sa paggamit ni ate ng apelyido ni itay .Pero naayos din at nakasal sila noong August.23,2001.Ang apelyido naming dalawa ni Glen na Paler ay nagging ``Sacdalan” na.Noong nag-recognition day na ay Best In Math ako at Top 2 sa klase,kaya may blow-out ako.
                Noong grade 2 ako nagging II-C ako.Si Mrs. Hernandez ang adviser ko noon .Kaklase ko pa rin si Maurice,nadagdagan ang kaibigan ko noon.Aktibo pa rin ako sa klase noon,yun nga lang sa hindi ko maintindihan,eh,wala akong natanggap na parangal noong Recognition Day.
                Noong grade 3 ako III-C ako,Masaya ako dahil kilala ko pa rin ang mga kaklase.Napalaban ako sa Battle of the Books noon bilang representative ng III-c.Kalaban Ko noon ang III-A at III-B.Kahit hndi ako ang champion,natuwa ako dahil 1st runner up ako,natalo ko ang III-B.Naging sikat ako sa room kaya may nagkcrush sa akin.Kilig na kilig pa nga si Marinel noong binigyan ako ng may crush sa akin ng kwintas,na puso ang style.Na parang wala lang sa akin,dahil ka-close ko naman yung may crush sa akin na yun.Naging top 1 ako sa klase nung grade 3 ako,kaya kasama ulit akong recognition day.
                Noong nag grade 4 ako IV-b na ako, medyo ilang ako sa klase kasi apat lang kaming C noon na napalipat sa B. May nagging crush akong kaklase noon for the first time,si Johndale Hernandez, yun nga lang bestfriend ang turing niya sa akin.Bukod kasi sa kaibigan ko ang crush niyang babae ay malapit pa ang bahay nila sa bahay ko.Nagpalakad siya sa akin para kay Iris na crush niya. Alam kung isip bata pa kami noon kaya nagkameron ng puppy relationship sa room;yun ay ako at si Jerimaya at si Johndale at si Iris.Mag-cacamping sana kami nung grade 4 ako,ngunit nagkatigdas ako at hindi ako nakasama .Isang lingo din akong hindi nakapasok.Hindi ko alam na may tigdas pa pala ako noong naligo ako.Pagsapit ng hapon ay hindi ko na alam ang nangyari sa akin,kaya ikinuwento ito sa akin ng aking ina. Nalubugan daw ako ng tigdas ,sa ulo daw umakyat ,kaya kaya nag-isip bata daw ako for 5 days.Buti nga daw gumaling pa ako,doctor ko noon si Dr. Siquig na isang Neurologist. Napagbenta ang isa naming titulo dahil sa pagkahospital ko ng 2 linggo. Kahit na ang dami kung absent ay napasali pa ako,bilang Top2 sa klase.Napasali ako sa Recognition .
                Noong grade 5 na ako ay nagging V-A na ako,ilang na ilang pa rin ako dahil dalawa lang kaming napalipat sa A na galling B.Pero kahit na ganun nagging Masaya ako dahil nagging kaibigan ko doon ang dati kung kaaway na inaanak ni inay na si Aina.Naging kaibigan ko din noon ang transferring si Jerry.Noong Kids Prom natuwa ako dahil sinayaw ako ng marami kung kaibigang lalaki.Hindi ako nakasabay sa mga kaklase ko noon sa V-A dahil sobrang tatalino nila na hindi ako makasabay.
                Noong nag grade 6 na ako,VI-A na ako,kasama ko pa rin ang bestfriend kung sina Saima at Aina. Doon nalaman ko na ang kaibigan kung si Jerry ay nagkacrush na sa akin.Ngunit hindi ko siya magustuhan dahi8l alam kung silahis siya.Noong nagkids prom na kami,si Jerry ang first dance ko,ng tinawag na kung sino ang sasali sa mr. and ms. Sweet lovers hinila niya ako na kinagalit ko.Bukod kasi sa ayaw ko ngang sumali sa ganoon parang nakakahiya yung ginawa niyang eksena sa stage.Kaya simula noon nagalit na ako sa kanya.Nag-graduation day na kami, hindi man lamang ako naiyak,kahit na halos ng kaklase ko iyak ng iyak,nagsasabi na ``mamimiss ko kayo”.Gumaraduate ako na may parangal na Achiever.
                Kumuha ako ng Entrance exam sa San Pablo Colleges,kung saan napasok ang aking nakatatandang kapatid. Doon ako nag-aral ng 1st year.Ang saya-saya ko dahil mabilis akong nakahanap ng tunay na kaibigan.I-Plasma ako noon sa SPC,science curriculum,doon ako`y na-inlove sa super gwapo,na matalino,at super bait na si Napoleon P. Coronado,science curriculum din siya yun nga lang mataas ang section niya sa akin.Tatlo kasi ang science curriculum sa SPC,at pangatlo doon ang Plasma,una ang BEC na section ni Napoleon,ang pangalawa ay Fermionic.Yun nga lang sa hindi kagandahang kapalaran ay may most ideal girlfriend na si Napoleon na bagay naman talaga sa kanya.Si Jhoyce anne BuenaObra na II-BEC.Mas matanda si Jhoyce ng buwan kay Napoleon.Naging mahaba ang relationship nilang dalawa na saksi ako araw-araw na kinasasakit ng aking damdamin(nagdadrama).
                Nung nag-2nd year ako sa SPC,tumaas ang section ko nagging II-BEC ako,magiging kaklase ko  a sana si Napoleon.Yun nga lang dahil nga sa nagkakaproblema na kami sa financial noon,inilipat ako ni inay sa regular section.Naging II-Kamagong ako. Naging Masaya ako noon nagging kaibigan ko si Jonelyn at si ate Mae,marami akong natutunan sa kanilang dalawa lalo na kay ate Mae.Lagi na akong nagkakaproblema sa pagbabayad ng tuission noon,kaya napagdesisyunan ng aking mga magulang na mag-transfer ako sa CLDDMNHS sa 3rd year.Naging mahirap para sa akin ang pag-alis ko sa SPC dahil nagging super saya ko sa school na iyon,yun nga lang wala akong magawa.
Giselle noong 3rd year
                Noong nag 3rd year na ako nagtransfer na ako sa Col. Lauro D. Dizon Mem. Nat`l Highschool.Ang hirap sa akin na makisama sa mga kaklase ko noon ng una,dahil iba ako sa paningin nila.Ngunit sa paglipas ng mga araw ay npakaraming barkada ang nagging kabarkda ko rin.III-E ako,nagging napakasaya ko noon, kahit na napabayaan ko ang aking pag-aaral ng kunti ay nagging napaka makabuluhan ng nagging experience ko sa barkada ko sa Dizon High.Yun nga lang nung magtatapos na ang 3rd year inanounce na kung anong section next school year.Nadeklara ang aking pangalan sa D,na kinainis ko ng sobra,dahil hindi na ako makapagpermenente ng section
                Noong nagumpisa ang klase ngayong 4th year,sinubukan kung magpalipat ng section sa E.Ngunit hindi ako pinayagan,kaya bagsak din ako sa IV-D.Akala ko noong una napakakaarte ng mga estudyante sa D,yun pala hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo sila kikilalanin kaya nagging motto ko na ang``Don’t Judge A Book By It`s Cover”.Napakasaya ng mga araw ng highschool life ko sa SPC man o sa Dizon High.Ngayong ako`y mag-kacollege na at iiwanan na naman ang school na aking pinasukan ng 2 taon ay pangarap kung mapunan pa ang aking talambuhay ng marami pang kwento.

Saturday, February 19, 2011

Ang aking Talambuhay ni Rose Mae B. Tapay

Ang dalwa kong lola,isa kong tita at kapatid ko
            Ako si Rose Mae B. Tapay, 16 taong gulang. Nakatira sa Brgy. Sta. Isabel, San Pablo City.Bago ako ipinanganak, naglihi muna si mama na si Roxie R. Buitre, pinaglihi raw ako sa papaya at pansit kaya raw ako iyakin.At ang aking ama na si Romie C. Tapay. Nang ako'y ipinanganak na, iyak daw ako ng iyak na mahirap patahanim kaya daw laging puyat si mama sa pagbabantay sa akin.At pagkatapos mga 1 taon daw ako noon hindi daw ako umiinom ng gatas dahil ang gusto ko raw dedehin ay kape.Lagi din daw akong nakasimangot bihira lang ngumiti.Mga limang taon ako noon lagi raw akong namimintas sa iba at ang taray-taray ko kaya tinawag akong si taray ng mga kamag-anak ko.Tapos 6 taon na ako pumasok ako ng kinder kaso sandali lang akong pumasok noon kasi dineretso na ako agad sa grade 1.At nung grade 1 na ako nagkaroon ako ng madaming kaibigan pero madami ring kaaway.May hindi lang akong malilimutan noong grade 1 na pinagpalo ng guro ko ang aking mga binti dahil sa may isang word akong hindi mabasa kaya naman hindi ako pumasok ng isang linggo,hindi na nga sana ako papasok titigil na lang kaso pinuntahan ako sa bahay at humingi ng sorry sa akin.Grade 2 ang saya-saya ko kasi naman yung mga kaibigan ko ang bait-bait sa akin.Dito rin sa grade na 'to lagi kaming nagtutulungan, karamay ang bawat isa kapag may problema
Rose Mae B. Tapay 

Grade 3 may kaklase akong hindi kasundo sya ay lalaki piling siga kasi palagi nya kong pinapaiyak, minsan nagsumbong ako kay mama pero sinabi nya sa akin ang taray-taray ko pero isang lalaki lang  ang magpapaiyak sa akin.Sa oras na 'yon nagtampo ako kay mama.Tapos kinabukasan kumakain kami ng umagahan, makulit ako sa time na 'yon kaya naman nalaglag ako sa upuan at yung ulo 't noo ko ay napadali pa sa isang upuan,nagkaroon ako ng sugat dugong-dugo yon iyak na iyak din ako noon kasi takot ako sa dugo,pero buti na lang hindi napatahi yung noo ko at hanggang ngayon tandang-tanda ko pa 'yon kasi may peklat ako sa noo.Grade 4, nagkaroon ako ng bagong kaklase yung mga transfer student. Madali ko silang nakasundo lahat ng kalokohan sumasama sila. Isang araw nag-cutting kami  pumunta kami sa bundok naglakwatsa, umakyat ng puno, kumuha ng mga prutas at kung anu-ano pa ang ginawa naming kalokohan.Sa araw ding iyon nahuli kami ng aming guro pero buti na langhindi kami naparusahan dahil sa ginawa namin.Grade5 naging adviser namin si Gng.Fe P.Manahan,isa siyang mabait na guro isa siya sa mga naging paborito ko.Kapag may kaylangan kami siya kaagad ang unang mag-aalok ng tulong.
grade VI-B
Graduation
Grade 6 dito ako nalungkot kasi naman magkakahiwalay na kami ng mga best friend ko, pero kahit ganon naging masaya rin ako dahil sa nagkaroon kami ng magagandang alaala.
stolen shot ko
         Nasa first year na ako noon wala akong kakilala sa mga kaklase ko pero kinaibigan nila ako kaya hindi ako malungkot noon.Pero nang magtatapos na ang first year. Nobyembre 15, 2006 tumigil ako sa pag-aaral sa dahilang financial sa pera at saka nagkaroon ako ng kagalit.Pangalawa kong first year  wala rin akong kakilala at huli na kong  pumasok Hulyo 21,2007 dapat nasa lowest seksyon nga ako dapat pero inilipat ako ng seksyon E mula sa N salamat na lang kay Gng.BriƱas napakabait niyang guro.Second year seksyon E pa rin ako nagkaroon ng bagong classmate pero masaya kasi nakasundo ko naman sila lalo na si Lacap na hanggang ngayon kaklase ko pa siya tapos si Mary-Ann Ibale na isa sa tinuturing kong matalik na karibal sa Math pero magkaibigan kami at si Zylene mabait siya kaya naman madali ko syang naging kaibigan.Ang naging paborito kong guro ay si Sir Mission, guro siya sa matimatika o sa ingles mathematics.Third year, nagkaroon din ako ng bagong mga kaibigan pero ganun pa rin mabilis ko silang nakasundo at pero ang daming maaarte sa year na yon sobrang nakakainis.
JS PROM 2011
Zarah,Giselle,Rubylyn,Marjorie,AKO
        At sa year na yon first time kong sumale sa isang school activity ito yung concert dahil don gala na ko nakauwi sa amin.Pero sa bandang huli naging masaya ako kasi na-enjoy ko naman.Isasama ko na din ang bakasyon kasi nakakainis ang aking bakasyon sa kadahilang puro na lng ako ang gumagawa sa bahay at mapa sa labas ng bahay  sobra-sobra talaga akong naiinis,pero sabi ni mama sadyang ganon kasi naman si ate ay buntis at ang isa ko pang ate may trabaho na,pati si mama at papa may trabaho,pero sa kapatid kong lalaki wala man lang akong maasahan sobrang tamad hindi mautusan sa bahay o kaya bibili sa tindahan.Fourth year na ako ngayon madami ako ngayong mga bagong kaklase at mas mga nakasundo ko pera lang yung iba ayoko kasi ng mga ugali nila.Pero yung mga katabi ko sa likod ng aming silid-aralan ay mababait tulad nala nina Yna, Iyy, Giselle, Kim, Mariche, Abby, Shiela, Jehanne, Lacap at kung sinu-sino pa.Itong year na to ito ang pinakamasaya kasi puro sila masiyahin at mga nakakatuwa sila lalong-lalo na si Kim ang sarap asar-asarin pero mabait naman siya.At hindi ko rin makakalimutan ng nagalit ako sa isang practice teacher sa math na si Ma'am Viterbo kasi pinaiyak niya ako para nagtatanong lang ako sa kanya.At isa pang hindi ko malilimutan bilang isang fourth year student ay nang pinaiyak ako ni Lily talagang galit na galit ako sa kanya ngayong fourth year .Masayang-masaya ako ng naka-attend ako sa JS ngayong fourth year kasi nung third year hindi ako naka-attend.Pero medyo nalungkot din ako noon kasi hindi ako masyadong nakapag-enjoy ayaw ko kasing makipag-sayaw.hanggang ngayon natutuwa ako na naging kaklase ko silang lahat.Minsan nalulungkot ako dahil pag naiisip ko na gra-graduate na kami iiwan ko na ang pinaka masaya kong experience ng high school.Masaya din ako na naging kabarkada ko sina Lacap, Giselle, Ivy at syempre si Jehanne.Kahit minsan naiinis ako sa kanila itinuturing ko pa rin silang mga kaibigan.At natandaan ko pa na nagalit ako sa isang kaklase ko kasi niloko nila ko ng niloko,maigsi pa naman ang pasensya ko. At siguradong malulungkot ako kapag gumaraduate na kami kasi matatapos na ang taon ng aking pagiginghigh school na pinakamasayang nangyari sa buhay ko.Pero sabi ko na naman sa sarili ko na may magaganda namang naiwang remebrance sa akin na hndi matutumbasan ng pera o nang kung anong bagay ang aking mga alaala ng bilang isang highschool student.

Ang Aking Talambuhay ni Paul John Francis M. Lacap

Paul John Francis M. Lacap,kagragraduate ng day care
Ako si  Paul John Francis M. Lacap na may 17 taong gulang na nakatira sa Brgy. I-B, Cornista St.,San Pablo City. Ang aking mga magulang ay sina Gng. Teresita L. Maloles at si G.Ruben G.Lacap.At ang aking mga kapatid ay sina Ericson M.Lacap na aming panganay, ang pangalawa naman namin ay si Marlon M. Lacap, ang pangatlo kong kapatid na aming nag-iisang babae ay si Marissa M.Lacap, at ako ang bunso sa aming magkakapatid.


Paul John Francis M. Lacap,picture na naka-toga nung day care
   Sisimulan ko ang aking talambuhay sa paglabas ko sa aking ina.Nung inilabas ako ang liit ko raw kaya binigyan ako ng lolo ko ng palayaw na "Dilis".sa pagdaan ng panahon nababawasan na  ang pagtawag sa aking "Dilis".Nung lumalaki na ako natuto na ako magbasa at magsulat kaya naisipan ng aking ina na ipasok na ako at nag-aral ako ng day care sa Dulong Bayan Day Center batch 2000-2001.





Paul John Francis M. Lacap, Grade 2 Intramurals
At pagkatapos ng ilang buwan inenroll na ako sa paaralang elementarya ng San Roque Elementary School. Nung una kong pasok sa elementary masaya ako dahil madadagdagan ang aking kaalamanan. At nang mga tumagal nagkaroon ako ng mga paboritong asignatura ito ang mathematika na aking nagustuhan dahil para ang saya mag-aral ng math.At nung dumaan ang mga taon lao pang nadagdagan ang aking kaalaman.At nung dumating ako sa  ika 6 na baitang sinubukan ko rin na sumubok sa mga palakasan tulad ng badminton pero hindi ako pinalad na makapasok.Kahit ganun ang nangyari nagkaroon ng try-0ut sa larong volleyball sumubok ako at pinalad naman ako na makasali sa "first six" ng volleyball team ng aming eskwelahan kaya noong Oct.14,2006 ito ang araw ng District Meet na ginanap may Santa Monica.Doon naglaban-laban ang mga eskwelahan na nasasakupan ng Fule District.Noong una natatakot ako kasi baka mapahiya ko ang aming eskwelahan .Pero nung nagsimula na ang laro.Nanalo kami.At nakita kung paano maglaro ang volleyball team ng Bagong Bayan. Ako'y natakot dahil itong team na ito ay magaling. Nung championship ang paaralan namin  at ang Bagong Bayan ang nagtapat sa huli at nanalo ang Bagong Bayan.Kahit ganon pa man naging masaya pa rin kami kasi ngkaroon kami ng place na 2nd sa larong volleyball na maaring isa sa amin ang maipadala sa Division Meet. At nung pumasok ako lahat ng mga nanalo sa District Meet ay tinawag sa stage at ako'y masaya kahit di kami nanalo ay naging proud sila sa amin.Nung una nahihiya kami pero nabago iyon. Nang nagkaroon ng pagpili ng mga players para sa Division Meet napili ang aking kaklase na si Patrick Grenziske at ang kagrupo namin na si Renz Sandoval.Simula nun minsan ko na lang sila makita dahil sila'y nagprapratice.At nag-focus na ulit ako sa pag-aaral.Para makasama sa mga gragraduate at nung malapit na ang graduation, binanggit na ang mga gragraduate kinabahan ako.Dahil baka makaapekto yung pagsali ko sa volleyball pero nung narinig ko na yung pangalan ako'y naging masaya.At nung March 28, 2007 ayon ang araw na kaminglahat ay magtatapos sa elementarya .Ako'y nakaramdam ng lungkot dahil pagkatapos ng graduation ay hindi namin nagawa na magpakuha ng litrato ng sama-sama.Pagkatpos ng ilang araw kami ay nagkasama-sama ulit at doon nagkakwentuhan,nagkamustahan bago kami kumuha ng aming mga card naisipan na maglaro muna bago magkahiwalay-hiwalay kami kaya di ko sinayang ang oras na iyon dahil alam ko na hindi na iyon mauulit.



Paul John Francis M. Lacap,ala lng
Nag-enroll ako sa paaralang ng Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School at nakapasok naman ako.Naging seksyon ko nun ay I-G naging malungkot ako dahil ang mga kaklase ko dati ay di ko na sila magiging kaklase.At nahiya ako kasi di ko kilala ang mga kaklase ko nun pero nung magtagal nagkaroon ako ng mga kaibigan na mapapagkatiwalaan kahit alam ko na mababa ang seksyon ko.Nag-aral ako ng mabuti masasabi ko na isa ako sa mga magagaling sa aming seksyon.At nang matapos ang first year life ko.
Nag-enrol ako para sa 2nd year nagkaroon din naman ng  bunga ang aking pagsusumikap na dati   ay "G" naging "E" na ang seksyon ko masaya ako kasi bagong ugali at mga tao na makakasama ko sa 10 buwan naging masaya ako dahil madali silang pakisamahan at nagkakasundo kami sa mga gusto.Nagkaroon din ng mga gawain sa aming paaralan na nagkasama kaming masaya.Nung malapit na matapos ang 2nd year life namin naisipan namin na magkaroon ng isang swimming dahil alam na namin na yung iba sa amin ay mapapahiwalay at pasasalamat na rin sa isang masayang school year na sama-sama.Nung araw na iyonnagswimming kami pagkatapos na magpapirma ng clearance .Kaya nag-enjoy kami ng husto at may ilan sa amion na gumagawa ng mga kalokohan .Nung nagsimula na kaming gumayak para umuwi nalungkot ako dahil isang magandang samahan na naman ang matatapos.


3-e JS prom.
Nung 3rd year ako nakakilala na naman ng mga bagong kaibigan.Nakilala ko si Eden Joy Caguite ang tawag ko pa nga sa kanya ay "cavite".dati nahihirapan ako sa math kasi mas humirap na at nadalian ako sa science.At nung tumagal nagkaroon ng mga aktibidad sa aming paaralan na sigurado na lahat kami ay mag-eenjoy kundi upang din mahubog pa nito ang aming mga sarili.Nagkaroon ng audition para sa aming concert ang lahat ay naghahanda para makasali sa cocert.May kalase ako na nakapag-perform, masaya kaming 3-E dahil nabati kami.At nung gabing iyon iba't-ibang mga porma ng mga mag-aaral at mga grupo na magbibigay ng saya at aliw.Masaya kaming umikot sa oval.Nung hindi ko makakalimutan nung Junior&Senior Prom.namin kasi halos lahat kaming 3-E ay kasali at dahil sa okaston na iyon nagkakaroon ng pagkakaayos ng mga magkakaaway tulad namin ni Mira Belda nagkaroon ngggga di pagkakasundo pero nung gabing iyon ako'y lumapit at isinayaw ko siya dun nagkausap kami at nagkaayos na.Hindi ko rin makakalimutan si Aldrin Santiago siya ang may pinakamaraming naisayaw nung gabing iyon.At hindi rin naman nagpahuli yung iba kong kaklase.May mga walang sumayaw ang tawag nga nila "mga nagbutas ng bangko".Pero halos lahat naman kami ay naging masaya.May mga isinayaw ng mga crush nila.May mga volunteer ng C.A.T na isinayaw pa nga nga ng kanilang mga officer.Nagkaroon din naman ng mga tilian dahil sa mga di inaasahang pangyayari tulad nina  Emerson Pingol at Maricel Culaway dahil niyaya ni Emerson si Maricel na makipag-sayaw dahil lagi itong nag-aaway na para bang aso't pusa.Kahit kami ay puyat masasabi ko na msaya ang una kong "JS".Naging malapit din ako sam ga titser ko tulad ni Mam.Carmela Baylon,Mam Esdicul at marami pang iba.Nung magtatapos na ang school year naisipan namin na magkaroon ng swimming sa aming magkakaibigan dahil ang iba naman sa aming kaklase ay may iba't-ibang barkada na may pangalan  pa,yung amin ay Best Friend Forever at yung iba naman ay KSM, CSI, AUH at  GOF. Nagswimming kami sa Garden of Eden, at nung nung nakain na kami parang dinaana ng bagyo ang aming pagkain dahil ang bilis maubos dahil na rin sa gutom na gutom na kami.Nagkaroon kami ng isang araw na nagkasama-sama ng masaya.Pagkatapos nun nagsimula   na kaming gumayak para umuwi at nung nasa may bayan na kami may mga ilan ang nalungkot dahil ilang buwan kaming hindi  nagkakasama kaya nung kuwanan ng card naging masaya kami pero nung nalaman  na namin ang magiging seksyon nalungkot na halong saya kasi magkakahiwalay na kami. Nung araw din na iyon pilit kaming nagsaya at hanggang matapos ang araw na iyon nagsaya at nagkwentuhan kaming  lahat.At nung malapit na ang ang enrollment sabay-sabay kaming nag-enroll kahit hindi na kami magiging magkakaklase.


Paul John Francis M. Lacap
Nung dumating yung unang araw ko bilang 4-D.Masaya ako pero nalungkot din ako dahil hindi ko mga kilala ang mga bago kong kaklase siguro yung  mga dati kong kaklase alam ko na yung ugali nila.Pero itong bagong kong kaklase may mga maaarte,nagplaplastikan,nagsisiraan.Kaya naisipan ko rin na magpalipat ng seksyon pero hindi ako pinayagan.At nung araw din na iyon naisipan ko na pipilitin ko silang intindihin at hindi naman ako nagkamali na intindihan ko sila kung bakit sila ganon.Naging kaklase ko na yung iba pero masasabi ko na kaunti lang  ang hindi ko kaclose dahil siguro sa ugali nila na hindi ko masakyan.Pero ngayon hindi ko na iyon iniintindi nagkaroon ng sci-camp pero hindi ako sumali dahil alam ko na hindi ako makakatulog ng ayos.Gayunpaman, nagkaroon ng Educational Fieldtrip at dun ako ay nakasama naging masaya pa ako at natuto.Nung araw ng fieldtrip namin maaga akong nagising at naghanda para hindi mahuli.At nung papaalis na kami masaya ako pero may lungkot dahil unako yun na biyahe na hindi ko kasama ang pamilya ko.Ang una namin na destinasyon ay ang "Lost of Eden" dun nakita ko yung mga hayop na mga wild.Nagkaroon din kami ng souvenir na mga isda.Napuri kami ng aming titser dahil sa hindi  raw kami magugulo.At hinihintay namin ang iba pang kasama hanggang naghihintay nanunuod muna kami ng isang pelikula.Pagkatapos ng ilang minuto na paghihintay pumunta na kami sa "Lights & Sounds Museum" akala ko nung una katamad kasi makikinig ng kwento pero nung nagsimula na ako ay namangha dahil sa mga manikin na nagsasadula kung paano yung nangyari.Nung matapos na ang palabas pumunta na kami sa Intramuros dun nakuha namin na magkaroon ng "picture-taking" para maging memorable ang fieldtrip na iyon halos isang  oras at kalahati lang kami nagtagal dahil sa gusto n namin pumunta sa Mall of Asia.Alas tres siguro ng hapon ng umalis kami sa Intramuros.Nung dumating na kami sa  Mall of Asia nagkanya-kanya na kami yung iba sa amin pumunta sa mga kainan, department store atbp.Naisipan namin na bumili muna ng pagkain para hindi gutom habang namamasyal.Nabili din ako ng gamit ko.At pagkatapos nung kumain kami sa may Jollibee at pagkatapos namin kumain naisipan namin na bumili ng pasalubong.At pumunta na kami sa aming hintayan.At ilang minuto nakasakay na kami sa aming bus at dun umalis na kami nakuha pa namin manuod ng nakakatako na pelikula na nakakatakot habang trapik .At yung iba ay nagsitulugan  na  at nagising na lang ng nasa San Pablo na.


Sina Paul John,Giselle at Jonas
Nagkaroon din ng JS nama'y temang "Hawaiian".Nagpatalbugan ang mga kasali sa kanilang mga kasuotan.Sa aming seksyon kaunti lang ang sumali pero hindi iyon ang naging dahilan na para kami ay hindi magsaya pero mas masaya kung lahat kami ay nakasama kasi lang year na namin ito sa highschool.






Ito ang aking talambuhay sana ay nakilala niyo ako ng husto.