Saturday, February 19, 2011

Ang Aking Talambuhay ni Paul John Francis M. Lacap

Paul John Francis M. Lacap,kagragraduate ng day care
Ako si  Paul John Francis M. Lacap na may 17 taong gulang na nakatira sa Brgy. I-B, Cornista St.,San Pablo City. Ang aking mga magulang ay sina Gng. Teresita L. Maloles at si G.Ruben G.Lacap.At ang aking mga kapatid ay sina Ericson M.Lacap na aming panganay, ang pangalawa naman namin ay si Marlon M. Lacap, ang pangatlo kong kapatid na aming nag-iisang babae ay si Marissa M.Lacap, at ako ang bunso sa aming magkakapatid.


Paul John Francis M. Lacap,picture na naka-toga nung day care
   Sisimulan ko ang aking talambuhay sa paglabas ko sa aking ina.Nung inilabas ako ang liit ko raw kaya binigyan ako ng lolo ko ng palayaw na "Dilis".sa pagdaan ng panahon nababawasan na  ang pagtawag sa aking "Dilis".Nung lumalaki na ako natuto na ako magbasa at magsulat kaya naisipan ng aking ina na ipasok na ako at nag-aral ako ng day care sa Dulong Bayan Day Center batch 2000-2001.





Paul John Francis M. Lacap, Grade 2 Intramurals
At pagkatapos ng ilang buwan inenroll na ako sa paaralang elementarya ng San Roque Elementary School. Nung una kong pasok sa elementary masaya ako dahil madadagdagan ang aking kaalamanan. At nang mga tumagal nagkaroon ako ng mga paboritong asignatura ito ang mathematika na aking nagustuhan dahil para ang saya mag-aral ng math.At nung dumaan ang mga taon lao pang nadagdagan ang aking kaalaman.At nung dumating ako sa  ika 6 na baitang sinubukan ko rin na sumubok sa mga palakasan tulad ng badminton pero hindi ako pinalad na makapasok.Kahit ganun ang nangyari nagkaroon ng try-0ut sa larong volleyball sumubok ako at pinalad naman ako na makasali sa "first six" ng volleyball team ng aming eskwelahan kaya noong Oct.14,2006 ito ang araw ng District Meet na ginanap may Santa Monica.Doon naglaban-laban ang mga eskwelahan na nasasakupan ng Fule District.Noong una natatakot ako kasi baka mapahiya ko ang aming eskwelahan .Pero nung nagsimula na ang laro.Nanalo kami.At nakita kung paano maglaro ang volleyball team ng Bagong Bayan. Ako'y natakot dahil itong team na ito ay magaling. Nung championship ang paaralan namin  at ang Bagong Bayan ang nagtapat sa huli at nanalo ang Bagong Bayan.Kahit ganon pa man naging masaya pa rin kami kasi ngkaroon kami ng place na 2nd sa larong volleyball na maaring isa sa amin ang maipadala sa Division Meet. At nung pumasok ako lahat ng mga nanalo sa District Meet ay tinawag sa stage at ako'y masaya kahit di kami nanalo ay naging proud sila sa amin.Nung una nahihiya kami pero nabago iyon. Nang nagkaroon ng pagpili ng mga players para sa Division Meet napili ang aking kaklase na si Patrick Grenziske at ang kagrupo namin na si Renz Sandoval.Simula nun minsan ko na lang sila makita dahil sila'y nagprapratice.At nag-focus na ulit ako sa pag-aaral.Para makasama sa mga gragraduate at nung malapit na ang graduation, binanggit na ang mga gragraduate kinabahan ako.Dahil baka makaapekto yung pagsali ko sa volleyball pero nung narinig ko na yung pangalan ako'y naging masaya.At nung March 28, 2007 ayon ang araw na kaminglahat ay magtatapos sa elementarya .Ako'y nakaramdam ng lungkot dahil pagkatapos ng graduation ay hindi namin nagawa na magpakuha ng litrato ng sama-sama.Pagkatpos ng ilang araw kami ay nagkasama-sama ulit at doon nagkakwentuhan,nagkamustahan bago kami kumuha ng aming mga card naisipan na maglaro muna bago magkahiwalay-hiwalay kami kaya di ko sinayang ang oras na iyon dahil alam ko na hindi na iyon mauulit.



Paul John Francis M. Lacap,ala lng
Nag-enroll ako sa paaralang ng Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School at nakapasok naman ako.Naging seksyon ko nun ay I-G naging malungkot ako dahil ang mga kaklase ko dati ay di ko na sila magiging kaklase.At nahiya ako kasi di ko kilala ang mga kaklase ko nun pero nung magtagal nagkaroon ako ng mga kaibigan na mapapagkatiwalaan kahit alam ko na mababa ang seksyon ko.Nag-aral ako ng mabuti masasabi ko na isa ako sa mga magagaling sa aming seksyon.At nang matapos ang first year life ko.
Nag-enrol ako para sa 2nd year nagkaroon din naman ng  bunga ang aking pagsusumikap na dati   ay "G" naging "E" na ang seksyon ko masaya ako kasi bagong ugali at mga tao na makakasama ko sa 10 buwan naging masaya ako dahil madali silang pakisamahan at nagkakasundo kami sa mga gusto.Nagkaroon din ng mga gawain sa aming paaralan na nagkasama kaming masaya.Nung malapit na matapos ang 2nd year life namin naisipan namin na magkaroon ng isang swimming dahil alam na namin na yung iba sa amin ay mapapahiwalay at pasasalamat na rin sa isang masayang school year na sama-sama.Nung araw na iyonnagswimming kami pagkatapos na magpapirma ng clearance .Kaya nag-enjoy kami ng husto at may ilan sa amion na gumagawa ng mga kalokohan .Nung nagsimula na kaming gumayak para umuwi nalungkot ako dahil isang magandang samahan na naman ang matatapos.


3-e JS prom.
Nung 3rd year ako nakakilala na naman ng mga bagong kaibigan.Nakilala ko si Eden Joy Caguite ang tawag ko pa nga sa kanya ay "cavite".dati nahihirapan ako sa math kasi mas humirap na at nadalian ako sa science.At nung tumagal nagkaroon ng mga aktibidad sa aming paaralan na sigurado na lahat kami ay mag-eenjoy kundi upang din mahubog pa nito ang aming mga sarili.Nagkaroon ng audition para sa aming concert ang lahat ay naghahanda para makasali sa cocert.May kalase ako na nakapag-perform, masaya kaming 3-E dahil nabati kami.At nung gabing iyon iba't-ibang mga porma ng mga mag-aaral at mga grupo na magbibigay ng saya at aliw.Masaya kaming umikot sa oval.Nung hindi ko makakalimutan nung Junior&Senior Prom.namin kasi halos lahat kaming 3-E ay kasali at dahil sa okaston na iyon nagkakaroon ng pagkakaayos ng mga magkakaaway tulad namin ni Mira Belda nagkaroon ngggga di pagkakasundo pero nung gabing iyon ako'y lumapit at isinayaw ko siya dun nagkausap kami at nagkaayos na.Hindi ko rin makakalimutan si Aldrin Santiago siya ang may pinakamaraming naisayaw nung gabing iyon.At hindi rin naman nagpahuli yung iba kong kaklase.May mga walang sumayaw ang tawag nga nila "mga nagbutas ng bangko".Pero halos lahat naman kami ay naging masaya.May mga isinayaw ng mga crush nila.May mga volunteer ng C.A.T na isinayaw pa nga nga ng kanilang mga officer.Nagkaroon din naman ng mga tilian dahil sa mga di inaasahang pangyayari tulad nina  Emerson Pingol at Maricel Culaway dahil niyaya ni Emerson si Maricel na makipag-sayaw dahil lagi itong nag-aaway na para bang aso't pusa.Kahit kami ay puyat masasabi ko na msaya ang una kong "JS".Naging malapit din ako sam ga titser ko tulad ni Mam.Carmela Baylon,Mam Esdicul at marami pang iba.Nung magtatapos na ang school year naisipan namin na magkaroon ng swimming sa aming magkakaibigan dahil ang iba naman sa aming kaklase ay may iba't-ibang barkada na may pangalan  pa,yung amin ay Best Friend Forever at yung iba naman ay KSM, CSI, AUH at  GOF. Nagswimming kami sa Garden of Eden, at nung nung nakain na kami parang dinaana ng bagyo ang aming pagkain dahil ang bilis maubos dahil na rin sa gutom na gutom na kami.Nagkaroon kami ng isang araw na nagkasama-sama ng masaya.Pagkatapos nun nagsimula   na kaming gumayak para umuwi at nung nasa may bayan na kami may mga ilan ang nalungkot dahil ilang buwan kaming hindi  nagkakasama kaya nung kuwanan ng card naging masaya kami pero nung nalaman  na namin ang magiging seksyon nalungkot na halong saya kasi magkakahiwalay na kami. Nung araw din na iyon pilit kaming nagsaya at hanggang matapos ang araw na iyon nagsaya at nagkwentuhan kaming  lahat.At nung malapit na ang ang enrollment sabay-sabay kaming nag-enroll kahit hindi na kami magiging magkakaklase.


Paul John Francis M. Lacap
Nung dumating yung unang araw ko bilang 4-D.Masaya ako pero nalungkot din ako dahil hindi ko mga kilala ang mga bago kong kaklase siguro yung  mga dati kong kaklase alam ko na yung ugali nila.Pero itong bagong kong kaklase may mga maaarte,nagplaplastikan,nagsisiraan.Kaya naisipan ko rin na magpalipat ng seksyon pero hindi ako pinayagan.At nung araw din na iyon naisipan ko na pipilitin ko silang intindihin at hindi naman ako nagkamali na intindihan ko sila kung bakit sila ganon.Naging kaklase ko na yung iba pero masasabi ko na kaunti lang  ang hindi ko kaclose dahil siguro sa ugali nila na hindi ko masakyan.Pero ngayon hindi ko na iyon iniintindi nagkaroon ng sci-camp pero hindi ako sumali dahil alam ko na hindi ako makakatulog ng ayos.Gayunpaman, nagkaroon ng Educational Fieldtrip at dun ako ay nakasama naging masaya pa ako at natuto.Nung araw ng fieldtrip namin maaga akong nagising at naghanda para hindi mahuli.At nung papaalis na kami masaya ako pero may lungkot dahil unako yun na biyahe na hindi ko kasama ang pamilya ko.Ang una namin na destinasyon ay ang "Lost of Eden" dun nakita ko yung mga hayop na mga wild.Nagkaroon din kami ng souvenir na mga isda.Napuri kami ng aming titser dahil sa hindi  raw kami magugulo.At hinihintay namin ang iba pang kasama hanggang naghihintay nanunuod muna kami ng isang pelikula.Pagkatapos ng ilang minuto na paghihintay pumunta na kami sa "Lights & Sounds Museum" akala ko nung una katamad kasi makikinig ng kwento pero nung nagsimula na ako ay namangha dahil sa mga manikin na nagsasadula kung paano yung nangyari.Nung matapos na ang palabas pumunta na kami sa Intramuros dun nakuha namin na magkaroon ng "picture-taking" para maging memorable ang fieldtrip na iyon halos isang  oras at kalahati lang kami nagtagal dahil sa gusto n namin pumunta sa Mall of Asia.Alas tres siguro ng hapon ng umalis kami sa Intramuros.Nung dumating na kami sa  Mall of Asia nagkanya-kanya na kami yung iba sa amin pumunta sa mga kainan, department store atbp.Naisipan namin na bumili muna ng pagkain para hindi gutom habang namamasyal.Nabili din ako ng gamit ko.At pagkatapos nung kumain kami sa may Jollibee at pagkatapos namin kumain naisipan namin na bumili ng pasalubong.At pumunta na kami sa aming hintayan.At ilang minuto nakasakay na kami sa aming bus at dun umalis na kami nakuha pa namin manuod ng nakakatako na pelikula na nakakatakot habang trapik .At yung iba ay nagsitulugan  na  at nagising na lang ng nasa San Pablo na.


Sina Paul John,Giselle at Jonas
Nagkaroon din ng JS nama'y temang "Hawaiian".Nagpatalbugan ang mga kasali sa kanilang mga kasuotan.Sa aming seksyon kaunti lang ang sumali pero hindi iyon ang naging dahilan na para kami ay hindi magsaya pero mas masaya kung lahat kami ay nakasama kasi lang year na namin ito sa highschool.






Ito ang aking talambuhay sana ay nakilala niyo ako ng husto.

No comments:

Post a Comment