Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Giselle P. Sacdalan

Ang ina at ama ko
             Ang aking inang si Elizabeth P. Paler ay tubong Bisaya na nagpuntang Maynila para magtrabaho para sa pamilya . Sa pakikipagsapalaran niya, napunta siya sa Calamba,Laguna at nagtrabaho sa maliit na kapiterya . Sa lugar na iyon, dun sila nagkakilala at nagsama ng aking amang si Gonzalo C. Sacdalan na isang businessman. Pinagbabawal ang naging relasyon ng aking ama`t ina dahil may legal na asawa ang aking ama sa Maharlika Highway,San Pablo City,Laguna at apat na anak dito.Bukod pa dito napakalaki ng tanda ng aking ama sa aking ina.Maraming humadlang o tumutol sa kanilan pagsasama. Sa kanilang pagsasama ,nabuo ang kanilang pagmamahalan ,yun ay ang aking ate na si Mary Grace Paler Sacdalan,ipinanganak noong ika-apat ng oktubre,1991 sa Brgy. Sto.Cristo.Pinagamit na ni itay ang kanyang apelyido kay ate kahit hindi pa sila kasal ni inay.
Baby Giselle

         Lumipat ng bahay ang aking magulang sa Villa Antonio phase 2 at dun ako nabuo noong ika-26 ng Nobyembre ,1994.Ang nagbigay ng pangalang ``Giselle’’ sa akin ay ang ama ko, kinuha niya ito sa kinagigiliwang artista noon na si Giselle Sanchez. Nai-rehistro ang pangalan ko bilang Giselle Polo Paler,dahil nalaman ng aking ina na illegal ang apelyidong dala ng aking nakatatandang kapatid. Muli kaming lumipat ng bahay sa Guadalupe II, at doon ipinanganak ang bunso at nag-iisang lalaki na si Glen Polo Paler noong Oktubre 12,1996.
Giselle noong 5 taong gulang pa lamang
          
       Lumipat muli kami sa Villa Rey. Sa lugar na iyon ,dun kami nagkaisip at nagkaroon ng maraming kalaro . Alam na namin simula pa nung bata pa kami, na kami lang ay pangalawang pamiya ni itay. Kaya sal-itang araw lang namin siya nakakasama noon. Kami pa noon ay mahilig mag-out of town.Madalas napapaliban kami sa klase. Marami kaming napapasyalan, dahil buy and sell ang isa pang trabaho ni itay sa sasakyan. Lagi naming pinupuntahan noon ang Calamba,Laguna.
ang ate ko at ako
                 
                 Noong mga bata pa kami ni ate ay lagi kaming napagkakamalang kambal dahil pareho ang style ng aming buhok pananamit, at syempre dahil magkasingheight. Nung una lagi akong nakasunod kay ate at lagi ko syang ginagaya. Gaya ng mga bagay na ginagawa niya tulad ng pagguhit ng manga o comics ,pagsusulat ng kwento,pangongolekta ng stickers at iba pa.At madalas nagkakasundo kai sa gusto gaya ng japanese,taiwanese,at korean songs at sa mga anime.
                Tanda ko pa noong ako ay limang taong gulang pa lamang,dinala ako ng aking ama sa kanyang bahay sa Maharlika Highway.Iniwan ako ni itay sa loob ng kotse.Napansin ko ang  isang babae at hindi ko malilimutan kung paano niya ako tingnan.Sa pagbalik ni itay ay lubos akong natuwa sa dala niyang ice cream.Huli ko nang nalaman na ang babaeng nakita ko ay ang unang asawa pala ni itay.
                Isang araw,nakita ko si itay na kausap si inay.Sa pag-alis ni itay,naiyak si inay.Tumakbo si ate,tumakbo din ako .Di ko alam kung bakit siya natakbo at di ko rin alam kung bakit ako sumunod. Kahit bata pa ako noon,ang pumasok kaagad sa isip ko ay maghihiwalay na si inay at si itay.Nalaman ko na lamang na ang sinabi pala n itay ky inay ay sumakabilang buhay na ang unang asawa ni itay.
                Nagpaalam na kami ni ate sa mga kalaro naming dahil lilipat na naman kami ng bahay.Sa Teomora Village Phase 1,Sacdalan Compound,Brgy. San Gabriel,San Pablo City,Laguna.Lumipat kami sa lupain ng aking ama.Mabilis din kaming nagkaroon ng kaibigan.Naalala ko,dumating sa aming bahay ang mga magulang ng aking ina at pati mga kapatid niya.Naka-close namin si ate Sheryl na inaakala naming bunsong kapatid ni inay,nay un pala`y anak sa pagkadalaga ni inay.
                Noong nag-anim na taon na ako,pinag-aral ako sa Saint Paul Learning Center bilang kindergarten.At doon din pinag-aral si Glen nung nag-anim na taon na siya.Si ate ay sa Evangelical Church School nag-kinder.Nung kinder ako,pakiramdam ko noon,di ako nabibilang kasi ang tangkad ko,pinakamataas ako sa babae at lalaki kong kaklase.Malapit ako sa mga kaklase kung lalaki kaysa sa babae.Noong birthday ko noong kinder may handaan sa room,tuwang-tuwa ako. Ang daming palaro noon sa room halos yung buong araw ng klase ay nabaling sa birthday party ko.Dumating na ang graduation ko noong kinder,may pinaractice kaming sayaw na gagawing umpisa ng graduation day.Nakalimutan pa ng ina ko noon yung susuutin kung damit na kinaiyak ko sa mismong araw ng graduation.Umuwi pa kami noon at muntik ng ma-late sa Graduation.Ako ang may pinakamababang parangal na natanggaap ,dahil nga sa hindi ko pagiging active sa klase.Ang naging parangal ko lamang noon ay ``Most Industrious”.
                Noong mag-gegrade 1 pa lang ako sa Ambray Elementary School,excited na excited ako dahil bago at tuwang-tuwa ako sa bag kong roller na pink.Pero ng sumapit na ang unang araw ng pasukan ng makita ko ang school. Ayaw kung paalisin ang aking ina dahil ang tingin ko sa ambray noon ay napakalaki na baka hindi na ako balikan ng ina ko doon.Nagwala ako noon,nag-iiyak,ang section ko dapat nung grade 1 ay A,pero hindi ako pumasok dahil nga iyak ako ng iyak.Ng lumipas ang dalawang araw sapilitan na akong dinala sa school noon.Hindi na ako tinanggap ng I-A,puno na daw ang estudyante kaya bumagsak ako sa lowest section sa I-D.Nagwawala pa rin ako noon at ayaw kung paalisin ang ina o ama ko sa room,gusto ko noon bantayan nila ako.Kaya napilitan noon ang magulang ko na pumasok din sa klase kasama ko.Nakilala ako sa school,dahil sa araw-araw kung pag-iyak at pagwawala.Ngunit isang araw,pinagplanuhan ng ina ko at mga teacher na ipad-lock ang room.Iniwanan ako ng ina ko.Umiyak ako ng umiyak at nalakas lalo ang iyak ko tuwing papagalitan ako ng teacher ko.
                Sa pagdaan ng araw,nasanay na rin ako,nagging kaibigan ko noon si Maurice na tinuturing naming pinsan ang isa`t isa kahit hindi.Naging aktibo ako noon sa klase at ako ang nagging top2 sa klase ng grade 1.Noong mga araw na iyon madalas umalis si inay at si itay,pinapahabilin kami sa kapitbahay.Inaasikaso pala nila ang kanilang kasal na tumagal din,dahil sa naihabla sila sa paggamit ni ate ng apelyido ni itay .Pero naayos din at nakasal sila noong August.23,2001.Ang apelyido naming dalawa ni Glen na Paler ay nagging ``Sacdalan” na.Noong nag-recognition day na ay Best In Math ako at Top 2 sa klase,kaya may blow-out ako.
                Noong grade 2 ako nagging II-C ako.Si Mrs. Hernandez ang adviser ko noon .Kaklase ko pa rin si Maurice,nadagdagan ang kaibigan ko noon.Aktibo pa rin ako sa klase noon,yun nga lang sa hindi ko maintindihan,eh,wala akong natanggap na parangal noong Recognition Day.
                Noong grade 3 ako III-C ako,Masaya ako dahil kilala ko pa rin ang mga kaklase.Napalaban ako sa Battle of the Books noon bilang representative ng III-c.Kalaban Ko noon ang III-A at III-B.Kahit hndi ako ang champion,natuwa ako dahil 1st runner up ako,natalo ko ang III-B.Naging sikat ako sa room kaya may nagkcrush sa akin.Kilig na kilig pa nga si Marinel noong binigyan ako ng may crush sa akin ng kwintas,na puso ang style.Na parang wala lang sa akin,dahil ka-close ko naman yung may crush sa akin na yun.Naging top 1 ako sa klase nung grade 3 ako,kaya kasama ulit akong recognition day.
                Noong nag grade 4 ako IV-b na ako, medyo ilang ako sa klase kasi apat lang kaming C noon na napalipat sa B. May nagging crush akong kaklase noon for the first time,si Johndale Hernandez, yun nga lang bestfriend ang turing niya sa akin.Bukod kasi sa kaibigan ko ang crush niyang babae ay malapit pa ang bahay nila sa bahay ko.Nagpalakad siya sa akin para kay Iris na crush niya. Alam kung isip bata pa kami noon kaya nagkameron ng puppy relationship sa room;yun ay ako at si Jerimaya at si Johndale at si Iris.Mag-cacamping sana kami nung grade 4 ako,ngunit nagkatigdas ako at hindi ako nakasama .Isang lingo din akong hindi nakapasok.Hindi ko alam na may tigdas pa pala ako noong naligo ako.Pagsapit ng hapon ay hindi ko na alam ang nangyari sa akin,kaya ikinuwento ito sa akin ng aking ina. Nalubugan daw ako ng tigdas ,sa ulo daw umakyat ,kaya kaya nag-isip bata daw ako for 5 days.Buti nga daw gumaling pa ako,doctor ko noon si Dr. Siquig na isang Neurologist. Napagbenta ang isa naming titulo dahil sa pagkahospital ko ng 2 linggo. Kahit na ang dami kung absent ay napasali pa ako,bilang Top2 sa klase.Napasali ako sa Recognition .
                Noong grade 5 na ako ay nagging V-A na ako,ilang na ilang pa rin ako dahil dalawa lang kaming napalipat sa A na galling B.Pero kahit na ganun nagging Masaya ako dahil nagging kaibigan ko doon ang dati kung kaaway na inaanak ni inay na si Aina.Naging kaibigan ko din noon ang transferring si Jerry.Noong Kids Prom natuwa ako dahil sinayaw ako ng marami kung kaibigang lalaki.Hindi ako nakasabay sa mga kaklase ko noon sa V-A dahil sobrang tatalino nila na hindi ako makasabay.
                Noong nag grade 6 na ako,VI-A na ako,kasama ko pa rin ang bestfriend kung sina Saima at Aina. Doon nalaman ko na ang kaibigan kung si Jerry ay nagkacrush na sa akin.Ngunit hindi ko siya magustuhan dahi8l alam kung silahis siya.Noong nagkids prom na kami,si Jerry ang first dance ko,ng tinawag na kung sino ang sasali sa mr. and ms. Sweet lovers hinila niya ako na kinagalit ko.Bukod kasi sa ayaw ko ngang sumali sa ganoon parang nakakahiya yung ginawa niyang eksena sa stage.Kaya simula noon nagalit na ako sa kanya.Nag-graduation day na kami, hindi man lamang ako naiyak,kahit na halos ng kaklase ko iyak ng iyak,nagsasabi na ``mamimiss ko kayo”.Gumaraduate ako na may parangal na Achiever.
                Kumuha ako ng Entrance exam sa San Pablo Colleges,kung saan napasok ang aking nakatatandang kapatid. Doon ako nag-aral ng 1st year.Ang saya-saya ko dahil mabilis akong nakahanap ng tunay na kaibigan.I-Plasma ako noon sa SPC,science curriculum,doon ako`y na-inlove sa super gwapo,na matalino,at super bait na si Napoleon P. Coronado,science curriculum din siya yun nga lang mataas ang section niya sa akin.Tatlo kasi ang science curriculum sa SPC,at pangatlo doon ang Plasma,una ang BEC na section ni Napoleon,ang pangalawa ay Fermionic.Yun nga lang sa hindi kagandahang kapalaran ay may most ideal girlfriend na si Napoleon na bagay naman talaga sa kanya.Si Jhoyce anne BuenaObra na II-BEC.Mas matanda si Jhoyce ng buwan kay Napoleon.Naging mahaba ang relationship nilang dalawa na saksi ako araw-araw na kinasasakit ng aking damdamin(nagdadrama).
                Nung nag-2nd year ako sa SPC,tumaas ang section ko nagging II-BEC ako,magiging kaklase ko  a sana si Napoleon.Yun nga lang dahil nga sa nagkakaproblema na kami sa financial noon,inilipat ako ni inay sa regular section.Naging II-Kamagong ako. Naging Masaya ako noon nagging kaibigan ko si Jonelyn at si ate Mae,marami akong natutunan sa kanilang dalawa lalo na kay ate Mae.Lagi na akong nagkakaproblema sa pagbabayad ng tuission noon,kaya napagdesisyunan ng aking mga magulang na mag-transfer ako sa CLDDMNHS sa 3rd year.Naging mahirap para sa akin ang pag-alis ko sa SPC dahil nagging super saya ko sa school na iyon,yun nga lang wala akong magawa.
Giselle noong 3rd year
                Noong nag 3rd year na ako nagtransfer na ako sa Col. Lauro D. Dizon Mem. Nat`l Highschool.Ang hirap sa akin na makisama sa mga kaklase ko noon ng una,dahil iba ako sa paningin nila.Ngunit sa paglipas ng mga araw ay npakaraming barkada ang nagging kabarkda ko rin.III-E ako,nagging napakasaya ko noon, kahit na napabayaan ko ang aking pag-aaral ng kunti ay nagging napaka makabuluhan ng nagging experience ko sa barkada ko sa Dizon High.Yun nga lang nung magtatapos na ang 3rd year inanounce na kung anong section next school year.Nadeklara ang aking pangalan sa D,na kinainis ko ng sobra,dahil hindi na ako makapagpermenente ng section
                Noong nagumpisa ang klase ngayong 4th year,sinubukan kung magpalipat ng section sa E.Ngunit hindi ako pinayagan,kaya bagsak din ako sa IV-D.Akala ko noong una napakakaarte ng mga estudyante sa D,yun pala hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo sila kikilalanin kaya nagging motto ko na ang``Don’t Judge A Book By It`s Cover”.Napakasaya ng mga araw ng highschool life ko sa SPC man o sa Dizon High.Ngayong ako`y mag-kacollege na at iiwanan na naman ang school na aking pinasukan ng 2 taon ay pangarap kung mapunan pa ang aking talambuhay ng marami pang kwento.

No comments:

Post a Comment