Ang Kwaderno ng Buhay
Monday, December 12, 2011
Monday, September 26, 2011
etong blog n toh
kmi lng nman po ang npili ni Ginoong Lacsa sa pagandahan at paayusan ng blog site hehehe....
Sunday, February 20, 2011
Ang buhay ni Marjorie Ann E. Mondares
Unang nagkakilala ang aking mga magulang sa JC MARUSHO COMPANY, ito ay isang factory ng mga nata, delata, at ketcup.
Niligawan ng aking ama si ina sa pamamagitan ng pagpasok n'ya sa negosyo ng aking lolo bilang driver. Sila ay nag-dedeliver ng buko at niyog sa iba't-ibang panig ng Laguna. Strict ang parents ni mama. Ng nalaman nila ang relasyon ng aking mga magulang, nagalit ito at gusto silang pag-hilawayin. Mahal na mahal nila ang isa't-isa at kapag naka gradute na si mama ipapadala s'ya sa Canda upang doon maghanap ng trabaho. Kaya napilitan silang magtanan. Nasayang ang pag-aaral ni mama kasi isang semester na lang graduate na sana sya sa kursong midwifery. Nagtungo sila sa Masbate, dito lumaki ang aking ama. Doon ako nabuo at pagkalipas ng tatlong buwan ay bumalik sila dito at kaagad agad ay nag-pakasal.Sai pa nga ng mama ko noong oras na naglilihi s'ya sa akin kahit alas-dose na ng hating-gabi ay ipinabibili pa din n'ya si papa ng vanilla ice cream at siopao.
Pagkalipas ng ilang buwan, araw ng Junyo 12 1995, ipinanganak ang kanilang unang anak. Pinangalanang nila ito na Marrjorie Ann Exconde Mondares. Ayon sa kwento ng lola ko, habang nasa OR (operatin Room) si mama hindi nila makita si papa, kasi nakatulog daw ito sa jeep, habang hinhintay sila. Nang makalabas kami sa ospital tuwang-tuwa silang lahat lalong-lalo na si lolo. Ayon sa kwento ng tiya ko, minsan nag-seselos daw siay noon sa akin kasi parang hindi na s'ya pinapansin ng lahat kasi laht daw ay nakatuon sa aki ang pansin, gayong s'ya ang bunsong anak. Spoiled brat daw ako kay lolo, sa tuwing ito daw ay nagbababa ng buko at niyog laging kung anu-ano ang ipinamimili nito sa akin.
Pagkalipas ng iilang linggo pumunta kaming mag-pamilaya sa Masbate tuwang-tuwa din sila sa akin.Pagkalipas ng tatlong linggo, napilitan silang iuwi aq dito. Kasi nagkaroon ako ng DIARRHEA. Ako ay ipina cheak-up nila doon ngunit mali ang ibinigay na gamot na ibinigay ng doktor sa akin. Pagkadatin na pagkadatin ko dito agad-agad akong isinugod sa ospital. Nagalit ang lolo at sila ay pinagsabihan "kung alam ko lang pala na hindi ny'o kayang pangalagaan ang aking apo hindi ko na sana kayo pinayagan, tandaan ny'o kapag may nangyaring masama sa aking apo hinding-hindi ko kayo mapapatawad". Sa awa naman ng Diyos ako ay gumaling at nagkaayos na din sila. nang ako'y siyam na buwan pa lamang, sa panahong ito namatay ang aking lolo. Naging malungkot silang lahat lalo na ang lola ko. Inatake ang lolo sa puso at dahil na rin sa high-blood. Hanggang sa huling pagkakataon ako pa rin ang hinahanap nito. Sayang lamang at hindi ko man lamang napasalamatan s'ya at hindi n'ya ako nakitang lumaki.
Makalipas ang lang taon pumasok ako ng kindergarten sa gulang na limang taon. Napakabibo ko daw at lahat daw ng makita ko ay kinakausap ko kahit hindi ko i to kilala. Isang araw, panghapon ako noon. Alas tres na ng hapon ang awas ko ngunit yung akin sundo ay als sinko na dumatin. Muntikan na akong mawala noon, kasi lumabas ako ng gate ng school. Buti na lang at may nakadampot sa akin, isang napakabutin matanda. Iyak daw ako ng iyak, tinanong ako ng matanda "bakit ka naiyak ineng? Nawawala ka ba? Siya tara na at ihahatid kita sa school mo" Buti na Lang naka-uniform pa ako noon.
Accelerated ako noon at pag-katapos ng kinder Grade One kaagad ako. Pumasok ako sa San PAblo Chung Hua Scool. Napakaraming nangyari sa akin noon.
Isa na rito ang maging finalist ng MR. and MS. FOUNDATION ng aming school. Sa kasamaang-palad first runner-up lamang ako kasi ang naging champion ay isan anak ng teacher sa amin. Dahil sa isang chinese school ako pumasik, sa umaga ay academic subect at sa hapon ay ang pag-aaral ng lengwahe ng mga chinese. Sa katotohan hangang Grade three lamng ako ng-aral ng chinese dahil sa totoo naman ay wala naman akong natututunan doon. Lumipat kmi ng bahay noong Grade four ako. pumunta kami sa Masbate. Doon nakaranas kami ng kahirapan. Noon nalaman ko na nahihirapan ang magulang ko kaya pinaghusayan ko ang aking pag-aaral, kaya naging first honor ako.
Bumalik kami dito ng ako'y Grade Fiive. Sa hung Hua pa din ako pumasok. pinipilit akong pumasok ulit ng chinese ng aking nga kaklase pero ayoko talaga. Kaya ayon half-day lang ako lagi, kaya pinabili ako ni mama ng grocery sa centro. Sa kasamaamg palad ako ay nadulas gawa ng saging. Grabe nakakahiya ang dami pa din namang nakakita noon. Napapatawa na nga lang ako kapag naaalala ko yon.
Noong Grade six ako umalis si papa pumunta ito sa abroad sa Suadi Arabia,doon naging painter s'ya. noon ko narealize na mahirap pala ang mawalay sa mahal sa buhay. ayoko ng maulit pa iyon pero sabi n'ya para sa future ko yun. Lagi ko na lang daw isipin na lagi s'yang nasa tabi ko. Pagkatapos na pagkatapos kong mg-speech noong graduation day, tumawag agad s'ya sa akin.
Ang regalo n'ya sa akin ay isang out of town outing. Pumunta kami sa Laiya, Batangas. Napakaganda doon white sand beach. We've taken so many pictures there. Umuwi si papa noong 2008 dahil hindi na n'ya kaya ang HOMESICK n'ya doon. Pumunta kami sa Masbate noon. Dumating ang high-school life. Pumasok ako ng first year sa LAGUNA COLLEGES. Doon ko nakilala si joana Orillaza ang akin best-friend, tatlo sana kmi, kaso nagtampo yong isa sa akin kasi kami lagi ang magkasam ni joana.
Nagtransfer ako ng second year sa COL. LAURO DIZON MEM. NTIONAL HIGH SCHOOL.Doon ko sila nakilala. two-C aq noon.
I've thought my life would be miserable. Pero mali pala ako. Dito ko nakita ang tunay na ako at ang tunay na kaligayahan. Noong third year ako three- C ako. Napakadaming nangyari sa buhay ko noon.
Isa na nung ngswimming kmi sa Country side, napak memorable yun para sa akin. Basta ang saya-saya.

Ako nga pala si Marjorie Ann Mondares mabait na anak.may takot sa Diyos at matalino. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng aking buhay. Thank you :))
Niligawan ng aking ama si ina sa pamamagitan ng pagpasok n'ya sa negosyo ng aking lolo bilang driver. Sila ay nag-dedeliver ng buko at niyog sa iba't-ibang panig ng Laguna. Strict ang parents ni mama. Ng nalaman nila ang relasyon ng aking mga magulang, nagalit ito at gusto silang pag-hilawayin. Mahal na mahal nila ang isa't-isa at kapag naka gradute na si mama ipapadala s'ya sa Canda upang doon maghanap ng trabaho. Kaya napilitan silang magtanan. Nasayang ang pag-aaral ni mama kasi isang semester na lang graduate na sana sya sa kursong midwifery. Nagtungo sila sa Masbate, dito lumaki ang aking ama. Doon ako nabuo at pagkalipas ng tatlong buwan ay bumalik sila dito at kaagad agad ay nag-pakasal.Sai pa nga ng mama ko noong oras na naglilihi s'ya sa akin kahit alas-dose na ng hating-gabi ay ipinabibili pa din n'ya si papa ng vanilla ice cream at siopao.
Pagkalipas ng ilang buwan, araw ng Junyo 12 1995, ipinanganak ang kanilang unang anak. Pinangalanang nila ito na Marrjorie Ann Exconde Mondares. Ayon sa kwento ng lola ko, habang nasa OR (operatin Room) si mama hindi nila makita si papa, kasi nakatulog daw ito sa jeep, habang hinhintay sila. Nang makalabas kami sa ospital tuwang-tuwa silang lahat lalong-lalo na si lolo. Ayon sa kwento ng tiya ko, minsan nag-seselos daw siay noon sa akin kasi parang hindi na s'ya pinapansin ng lahat kasi laht daw ay nakatuon sa aki ang pansin, gayong s'ya ang bunsong anak. Spoiled brat daw ako kay lolo, sa tuwing ito daw ay nagbababa ng buko at niyog laging kung anu-ano ang ipinamimili nito sa akin.
![]() |
It's me on my 1st Birthday |
![]() |
It's me when I was in Kinder |
Accelerated ako noon at pag-katapos ng kinder Grade One kaagad ako. Pumasok ako sa San PAblo Chung Hua Scool. Napakaraming nangyari sa akin noon.
![]() |
This is me when I was a candidate for Mr. & Ms. Foundation |
![]() |
It's me in graduation in elementary |
Noong Grade six ako umalis si papa pumunta ito sa abroad sa Suadi Arabia,doon naging painter s'ya. noon ko narealize na mahirap pala ang mawalay sa mahal sa buhay. ayoko ng maulit pa iyon pero sabi n'ya para sa future ko yun. Lagi ko na lang daw isipin na lagi s'yang nasa tabi ko. Pagkatapos na pagkatapos kong mg-speech noong graduation day, tumawag agad s'ya sa akin.
![]() |
This is me on Laiya beach in Batangas City. |
![]() |
One of my high-school friends |
I've thought my life would be miserable. Pero mali pala ako. Dito ko nakita ang tunay na ako at ang tunay na kaligayahan. Noong third year ako three- C ako. Napakadaming nangyari sa buhay ko noon.
Isa na nung ngswimming kmi sa Country side, napak memorable yun para sa akin. Basta ang saya-saya.

Ako nga pala si Marjorie Ann Mondares mabait na anak.may takot sa Diyos at matalino. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng aking buhay. Thank you :))
Talambuhay ni Jehanne Macatangay
![]() |
Jehanne at si papa |
![]() |
ako noong grade 1 |
Highschool Life
![]() |
Jehanne |
Sa tuwing makakasama kami lagi kaming nagkakatuwaan at minnsan naglolokohan din.Naalala ko merong isang bata na tumakbo at bigla itong nadapa agad ko naman ito tinulungan kasi naawa ako dahil yung mga kasama ko ay pinagtatawanan ito.Nang ito ay naito ko na bigla naman ito nagpasalamat sa akin,nang ito ay umalis,kitang-kita ko na bigla tumulo ang laway nito,napatawa naman ako at siya.Nang matapos iyonn bumalik na kami sa clasroom namin.Nang pagdating namin pinag-uusapan namin yung nang yari doon sa bata at nagtawanan nanaman kami.Nang kami ay awasan na nakasalubong ko nanaman ito ay napangiti kami sa isa’t-isa.Nang ako ay umuwi na ikinukwento ko ito sa aking mama.At ang sabi sa akin ay “jehanne ngayon ko lang nalaman na may puso ka din pala”at bigla naman ito napatawa.Isang araw bigla naman sumama ang aking pakiramdam, hangang sa nag kasakit na ako,ang akin mama naman at ang aking papa sa aking dahil antaas ng aking lagnat muntik na nga ako maisugod sa ospital buti nalang bumaba nalang . Mga dalawang araw mabuti na ang aking pakiramdam tapos bigla naman umulan at nagkatuwaan kami ng aking mga pinsan at naligo kami sa ulan kami ay nagtatakbuhan, yung isa kung pinsan may dalang bote at hinahampas ito samin pag kami ay naabutan . ang saya saya ko noon dahil minsan lang mangyari ito ng tumila na ang ulan hindi muna kami nagbanlaw , nagpatuyo muna kami ng aming katawan ng ako`y tuyo na tsaka ako naligo e gabi na iyon , maya maya bigla naman ako inubo dahil natuyuan ako ng lamig . Kinabukasan nilagnat nanaman ako at napagalitan pa ako sabi ng aking mama hinding hindi na daw yon mauulit .
![]() |
Jellence Candidate for Lakan At Mutya |
![]() |
Jehanne 4th yr |
Ang Talambuhay ni Giselle P. Sacdalan
![]() |
Ang ina at ama ko |
![]() |
Baby Giselle |
Lumipat ng bahay ang aking magulang sa Villa Antonio phase 2 at dun ako nabuo noong ika-26 ng Nobyembre ,1994.Ang nagbigay ng pangalang ``Giselle’’ sa akin ay ang ama ko, kinuha niya ito sa kinagigiliwang artista noon na si Giselle Sanchez. Nai-rehistro ang pangalan ko bilang Giselle Polo Paler,dahil nalaman ng aking ina na illegal ang apelyidong dala ng aking nakatatandang kapatid. Muli kaming lumipat ng bahay sa Guadalupe II, at doon ipinanganak ang bunso at nag-iisang lalaki na si Glen Polo Paler noong Oktubre 12,1996.
![]() |
Giselle noong 5 taong gulang pa lamang |
Lumipat muli kami sa Villa Rey. Sa lugar na iyon ,dun kami nagkaisip at nagkaroon ng maraming kalaro . Alam na namin simula pa nung bata pa kami, na kami lang ay pangalawang pamiya ni itay. Kaya sal-itang araw lang namin siya nakakasama noon. Kami pa noon ay mahilig mag-out of town.Madalas napapaliban kami sa klase. Marami kaming napapasyalan, dahil buy and sell ang isa pang trabaho ni itay sa sasakyan. Lagi naming pinupuntahan noon ang Calamba,Laguna.
![]() |
ang ate ko at ako |
Noong mga bata pa kami ni ate ay lagi kaming napagkakamalang kambal dahil pareho ang style ng aming buhok pananamit, at syempre dahil magkasingheight. Nung una lagi akong nakasunod kay ate at lagi ko syang ginagaya. Gaya ng mga bagay na ginagawa niya tulad ng pagguhit ng manga o comics ,pagsusulat ng kwento,pangongolekta ng stickers at iba pa.At madalas nagkakasundo kai sa gusto gaya ng japanese,taiwanese,at korean songs at sa mga anime.
Tanda ko pa noong ako ay limang taong gulang pa lamang,dinala ako ng aking ama sa kanyang bahay sa Maharlika Highway.Iniwan ako ni itay sa loob ng kotse.Napansin ko ang isang babae at hindi ko malilimutan kung paano niya ako tingnan.Sa pagbalik ni itay ay lubos akong natuwa sa dala niyang ice cream.Huli ko nang nalaman na ang babaeng nakita ko ay ang unang asawa pala ni itay.
Isang araw,nakita ko si itay na kausap si inay.Sa pag-alis ni itay,naiyak si inay.Tumakbo si ate,tumakbo din ako .Di ko alam kung bakit siya natakbo at di ko rin alam kung bakit ako sumunod. Kahit bata pa ako noon,ang pumasok kaagad sa isip ko ay maghihiwalay na si inay at si itay.Nalaman ko na lamang na ang sinabi pala n itay ky inay ay sumakabilang buhay na ang unang asawa ni itay.
Nagpaalam na kami ni ate sa mga kalaro naming dahil lilipat na naman kami ng bahay.Sa Teomora Village Phase 1,Sacdalan Compound,Brgy. San Gabriel,San Pablo City,Laguna.Lumipat kami sa lupain ng aking ama.Mabilis din kaming nagkaroon ng kaibigan.Naalala ko,dumating sa aming bahay ang mga magulang ng aking ina at pati mga kapatid niya.Naka-close namin si ate Sheryl na inaakala naming bunsong kapatid ni inay,nay un pala`y anak sa pagkadalaga ni inay.
Noong nag-anim na taon na ako,pinag-aral ako sa Saint Paul Learning Center bilang kindergarten.At doon din pinag-aral si Glen nung nag-anim na taon na siya.Si ate ay sa Evangelical Church School nag-kinder.Nung kinder ako,pakiramdam ko noon,di ako nabibilang kasi ang tangkad ko,pinakamataas ako sa babae at lalaki kong kaklase.Malapit ako sa mga kaklase kung lalaki kaysa sa babae.Noong birthday ko noong kinder may handaan sa room,tuwang-tuwa ako. Ang daming palaro noon sa room halos yung buong araw ng klase ay nabaling sa birthday party ko.Dumating na ang graduation ko noong kinder,may pinaractice kaming sayaw na gagawing umpisa ng graduation day.Nakalimutan pa ng ina ko noon yung susuutin kung damit na kinaiyak ko sa mismong araw ng graduation.Umuwi pa kami noon at muntik ng ma-late sa Graduation.Ako ang may pinakamababang parangal na natanggaap ,dahil nga sa hindi ko pagiging active sa klase.Ang naging parangal ko lamang noon ay ``Most Industrious”.
Noong mag-gegrade 1 pa lang ako sa Ambray Elementary School,excited na excited ako dahil bago at tuwang-tuwa ako sa bag kong roller na pink.Pero ng sumapit na ang unang araw ng pasukan ng makita ko ang school. Ayaw kung paalisin ang aking ina dahil ang tingin ko sa ambray noon ay napakalaki na baka hindi na ako balikan ng ina ko doon.Nagwala ako noon,nag-iiyak,ang section ko dapat nung grade 1 ay A,pero hindi ako pumasok dahil nga iyak ako ng iyak.Ng lumipas ang dalawang araw sapilitan na akong dinala sa school noon.Hindi na ako tinanggap ng I-A,puno na daw ang estudyante kaya bumagsak ako sa lowest section sa I-D.Nagwawala pa rin ako noon at ayaw kung paalisin ang ina o ama ko sa room,gusto ko noon bantayan nila ako.Kaya napilitan noon ang magulang ko na pumasok din sa klase kasama ko.Nakilala ako sa school,dahil sa araw-araw kung pag-iyak at pagwawala.Ngunit isang araw,pinagplanuhan ng ina ko at mga teacher na ipad-lock ang room.Iniwanan ako ng ina ko.Umiyak ako ng umiyak at nalakas lalo ang iyak ko tuwing papagalitan ako ng teacher ko.
Sa pagdaan ng araw,nasanay na rin ako,nagging kaibigan ko noon si Maurice na tinuturing naming pinsan ang isa`t isa kahit hindi.Naging aktibo ako noon sa klase at ako ang nagging top2 sa klase ng grade 1.Noong mga araw na iyon madalas umalis si inay at si itay,pinapahabilin kami sa kapitbahay.Inaasikaso pala nila ang kanilang kasal na tumagal din,dahil sa naihabla sila sa paggamit ni ate ng apelyido ni itay .Pero naayos din at nakasal sila noong August.23,2001.Ang apelyido naming dalawa ni Glen na Paler ay nagging ``Sacdalan” na.Noong nag-recognition day na ay Best In Math ako at Top 2 sa klase,kaya may blow-out ako.
Noong grade 2 ako nagging II-C ako.Si Mrs. Hernandez ang adviser ko noon .Kaklase ko pa rin si Maurice,nadagdagan ang kaibigan ko noon.Aktibo pa rin ako sa klase noon,yun nga lang sa hindi ko maintindihan,eh,wala akong natanggap na parangal noong Recognition Day.
Noong grade 3 ako III-C ako,Masaya ako dahil kilala ko pa rin ang mga kaklase.Napalaban ako sa Battle of the Books noon bilang representative ng III-c.Kalaban Ko noon ang III-A at III-B.Kahit hndi ako ang champion,natuwa ako dahil 1st runner up ako,natalo ko ang III-B.Naging sikat ako sa room kaya may nagkcrush sa akin.Kilig na kilig pa nga si Marinel noong binigyan ako ng may crush sa akin ng kwintas,na puso ang style.Na parang wala lang sa akin,dahil ka-close ko naman yung may crush sa akin na yun.Naging top 1 ako sa klase nung grade 3 ako,kaya kasama ulit akong recognition day.
Noong nag grade 4 ako IV-b na ako, medyo ilang ako sa klase kasi apat lang kaming C noon na napalipat sa B. May nagging crush akong kaklase noon for the first time,si Johndale Hernandez, yun nga lang bestfriend ang turing niya sa akin.Bukod kasi sa kaibigan ko ang crush niyang babae ay malapit pa ang bahay nila sa bahay ko.Nagpalakad siya sa akin para kay Iris na crush niya. Alam kung isip bata pa kami noon kaya nagkameron ng puppy relationship sa room;yun ay ako at si Jerimaya at si Johndale at si Iris.Mag-cacamping sana kami nung grade 4 ako,ngunit nagkatigdas ako at hindi ako nakasama .Isang lingo din akong hindi nakapasok.Hindi ko alam na may tigdas pa pala ako noong naligo ako.Pagsapit ng hapon ay hindi ko na alam ang nangyari sa akin,kaya ikinuwento ito sa akin ng aking ina. Nalubugan daw ako ng tigdas ,sa ulo daw umakyat ,kaya kaya nag-isip bata daw ako for 5 days.Buti nga daw gumaling pa ako,doctor ko noon si Dr. Siquig na isang Neurologist. Napagbenta ang isa naming titulo dahil sa pagkahospital ko ng 2 linggo. Kahit na ang dami kung absent ay napasali pa ako,bilang Top2 sa klase.Napasali ako sa Recognition .
Noong grade 5 na ako ay nagging V-A na ako,ilang na ilang pa rin ako dahil dalawa lang kaming napalipat sa A na galling B.Pero kahit na ganun nagging Masaya ako dahil nagging kaibigan ko doon ang dati kung kaaway na inaanak ni inay na si Aina.Naging kaibigan ko din noon ang transferring si Jerry.Noong Kids Prom natuwa ako dahil sinayaw ako ng marami kung kaibigang lalaki.Hindi ako nakasabay sa mga kaklase ko noon sa V-A dahil sobrang tatalino nila na hindi ako makasabay.
Noong nag grade 6 na ako,VI-A na ako,kasama ko pa rin ang bestfriend kung sina Saima at Aina. Doon nalaman ko na ang kaibigan kung si Jerry ay nagkacrush na sa akin.Ngunit hindi ko siya magustuhan dahi8l alam kung silahis siya.Noong nagkids prom na kami,si Jerry ang first dance ko,ng tinawag na kung sino ang sasali sa mr. and ms. Sweet lovers hinila niya ako na kinagalit ko.Bukod kasi sa ayaw ko ngang sumali sa ganoon parang nakakahiya yung ginawa niyang eksena sa stage.Kaya simula noon nagalit na ako sa kanya.Nag-graduation day na kami, hindi man lamang ako naiyak,kahit na halos ng kaklase ko iyak ng iyak,nagsasabi na ``mamimiss ko kayo”.Gumaraduate ako na may parangal na Achiever.
Kumuha ako ng Entrance exam sa San Pablo Colleges,kung saan napasok ang aking nakatatandang kapatid. Doon ako nag-aral ng 1st year.Ang saya-saya ko dahil mabilis akong nakahanap ng tunay na kaibigan.I-Plasma ako noon sa SPC,science curriculum,doon ako`y na-inlove sa super gwapo,na matalino,at super bait na si Napoleon P. Coronado,science curriculum din siya yun nga lang mataas ang section niya sa akin.Tatlo kasi ang science curriculum sa SPC,at pangatlo doon ang Plasma,una ang BEC na section ni Napoleon,ang pangalawa ay Fermionic.Yun nga lang sa hindi kagandahang kapalaran ay may most ideal girlfriend na si Napoleon na bagay naman talaga sa kanya.Si Jhoyce anne BuenaObra na II-BEC.Mas matanda si Jhoyce ng buwan kay Napoleon.Naging mahaba ang relationship nilang dalawa na saksi ako araw-araw na kinasasakit ng aking damdamin(nagdadrama).
Nung nag-2nd year ako sa SPC,tumaas ang section ko nagging II-BEC ako,magiging kaklase ko a sana si Napoleon.Yun nga lang dahil nga sa nagkakaproblema na kami sa financial noon,inilipat ako ni inay sa regular section.Naging II-Kamagong ako. Naging Masaya ako noon nagging kaibigan ko si Jonelyn at si ate Mae,marami akong natutunan sa kanilang dalawa lalo na kay ate Mae.Lagi na akong nagkakaproblema sa pagbabayad ng tuission noon,kaya napagdesisyunan ng aking mga magulang na mag-transfer ako sa CLDDMNHS sa 3rd year.Naging mahirap para sa akin ang pag-alis ko sa SPC dahil nagging super saya ko sa school na iyon,yun nga lang wala akong magawa.
![]() |
Giselle noong 3rd year |
Noong nag 3rd year na ako nagtransfer na ako sa Col. Lauro D. Dizon Mem. Nat`l Highschool.Ang hirap sa akin na makisama sa mga kaklase ko noon ng una,dahil iba ako sa paningin nila.Ngunit sa paglipas ng mga araw ay npakaraming barkada ang nagging kabarkda ko rin.III-E ako,nagging napakasaya ko noon, kahit na napabayaan ko ang aking pag-aaral ng kunti ay nagging napaka makabuluhan ng nagging experience ko sa barkada ko sa Dizon High.Yun nga lang nung magtatapos na ang 3rd year inanounce na kung anong section next school year.Nadeklara ang aking pangalan sa D,na kinainis ko ng sobra,dahil hindi na ako makapagpermenente ng section
Noong nagumpisa ang klase ngayong 4th year,sinubukan kung magpalipat ng section sa E.Ngunit hindi ako pinayagan,kaya bagsak din ako sa IV-D.Akala ko noong una napakakaarte ng mga estudyante sa D,yun pala hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo sila kikilalanin kaya nagging motto ko na ang``Don’t Judge A Book By It`s Cover”.Napakasaya ng mga araw ng highschool life ko sa SPC man o sa Dizon High.Ngayong ako`y mag-kacollege na at iiwanan na naman ang school na aking pinasukan ng 2 taon ay pangarap kung mapunan pa ang aking talambuhay ng marami pang kwento.
Saturday, February 19, 2011
Ang aking Talambuhay ni Rose Mae B. Tapay
![]() |
Ang dalwa kong lola,isa kong tita at kapatid ko |
![]() |
Rose Mae B. Tapay |
Grade 3 may kaklase akong hindi kasundo sya ay lalaki piling siga kasi palagi nya kong pinapaiyak, minsan nagsumbong ako kay mama pero sinabi nya sa akin ang taray-taray ko pero isang lalaki lang ang magpapaiyak sa akin.Sa oras na 'yon nagtampo ako kay mama.Tapos kinabukasan kumakain kami ng umagahan, makulit ako sa time na 'yon kaya naman nalaglag ako sa upuan at yung ulo 't noo ko ay napadali pa sa isang upuan,nagkaroon ako ng sugat dugong-dugo yon iyak na iyak din ako noon kasi takot ako sa dugo,pero buti na lang hindi napatahi yung noo ko at hanggang ngayon tandang-tanda ko pa 'yon kasi may peklat ako sa noo.Grade 4, nagkaroon ako ng bagong kaklase yung mga transfer student. Madali ko silang nakasundo lahat ng kalokohan sumasama sila. Isang araw nag-cutting kami pumunta kami sa bundok naglakwatsa, umakyat ng puno, kumuha ng mga prutas at kung anu-ano pa ang ginawa naming kalokohan.Sa araw ding iyon nahuli kami ng aming guro pero buti na langhindi kami naparusahan dahil sa ginawa namin.Grade5 naging adviser namin si Gng.Fe P.Manahan,isa siyang mabait na guro isa siya sa mga naging paborito ko.Kapag may kaylangan kami siya kaagad ang unang mag-aalok ng tulong.
![]() |
grade VI-B Graduation |
![]() |
stolen shot ko |
![]() |
JS PROM 2011 Zarah,Giselle,Rubylyn,Marjorie,AKO |
Ang Aking Talambuhay ni Paul John Francis M. Lacap
![]() |
Paul John Francis M. Lacap,kagragraduate ng day care |
![]() |
Paul John Francis M. Lacap,picture na naka-toga nung day care |
![]() |
Paul John Francis M. Lacap, Grade 2 Intramurals |
![]() |
Paul John Francis M. Lacap,ala lng |
Nag-enrol ako para sa 2nd year nagkaroon din naman ng bunga ang aking pagsusumikap na dati ay "G" naging "E" na ang seksyon ko masaya ako kasi bagong ugali at mga tao na makakasama ko sa 10 buwan naging masaya ako dahil madali silang pakisamahan at nagkakasundo kami sa mga gusto.Nagkaroon din ng mga gawain sa aming paaralan na nagkasama kaming masaya.Nung malapit na matapos ang 2nd year life namin naisipan namin na magkaroon ng isang swimming dahil alam na namin na yung iba sa amin ay mapapahiwalay at pasasalamat na rin sa isang masayang school year na sama-sama.Nung araw na iyonnagswimming kami pagkatapos na magpapirma ng clearance .Kaya nag-enjoy kami ng husto at may ilan sa amion na gumagawa ng mga kalokohan .Nung nagsimula na kaming gumayak para umuwi nalungkot ako dahil isang magandang samahan na naman ang matatapos.
![]() |
3-e JS prom. |
![]() |
Paul John Francis M. Lacap |
![]() |
Sina Paul John,Giselle at Jonas |
Ito ang aking talambuhay sana ay nakilala niyo ako ng husto.
Subscribe to:
Posts (Atom)